Ali Sotto pasok bilang co-anchor ng ‘Mata ng Agila Primetime’ sa NET25
IBINANDERA na bilang bagong co-anchor ng “Mata ng Agila Primetime” sa NET25 ang premyadong celebrity na Ali Sotto.
Kasama ang isa pa sa mga hinahangaang brodkaster ng bansa na si Alex Santos, si Ali ay siyang inaasahang kasabay nito sa paghahatid ng patas, wasto at pinakamainit na balita at impormasyon gabi-gabi sa “Mata ng Agila Primetime.”
Matapos gumawa ng pangalan bilang sikat na aktres at mang-aawit sa bansa, itinuturing si Ali bilang ilan lamang sa mga personalidad na napagtagumpayang mamayagpag bilang multi-awarded news anchor at host ng mga kilalang news and public affairs program sa TV at radyo.
Baka Bet Mo: Ogie Diaz kay Alex Santos: Gusto kaya n’ya ang ginagawa n’ya?
“Matagal ko nang hinihintay na makatrabaho ko si Alex. Basta ako (Alex), katuwang mo ako, kakampi mo ako tuwing alas-6 hanggang alas-7:30 ng gabi, Monday to Friday, ang ‘Santos-Sotto iisa ang adhikain na maghatid ng totoo. Totoong balita at impormasyon sa kanila,” ani Ali.
Nagsimula naman si Alex Santos bilang isang baguhan at batang TV reporter, mamamahayag, news editor at director sa Davao.
View this post on Instagram
Ngunit sa kanyang taglay na galing at talino, dinala siya ng kanyang talento sa mga kilala ring himpilan ng radyo at telebisyon ng bansa. Isa na siya sa mga pinakarespetadong news anchor sa industriya ngayon.
Sa isang sit down interview kasama ni Ali, ipinahayag ni Alex ang kanyang pasasalamat sa pagsama ni Ali sa Mata ng Agila Primetime.
Baka Bet Mo: Julius goodbye na rin sa ABS-CBN, Karen may hugot: Bilog ang mundo at alam ko, magkikita tayong muli…
“Maraming salamat Ali, at tinanggap mo ang trabahong ito dahil alam kong ang tambalang Alex-Ali ay maghahatid ng totoong balita at inaasahan ko rin na magtatagal ang samahang ito,” aniya.
Nang tanungin tungkol sa pagbabalik bilang news anchor, ang sagot ni Ali, “Tinatanaw ko ito bilang isang napakalaking pribilehiyo na nabigyan akong muli ng pagkakataon ng ating mga kababayan na muling makapagsilbi sa kanila gabi-gabi.
“Nagpapasalamat po ako sa tiwala ng NET25 management, nang ako po’y piliin at alukin na makasama ko kayo tuwing gabi sa paghahatid po ng pinakatotoong balita,” sabi pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.