Vice sa mga single: You don't need a partner to complete yo

Hirit ni Vice sa mga single: You don’t need a partner to complete you

Ervin Santiago |April 17,2024
facebook
share this

Hirit ni Vice sa mga single: You don’t need a partner to complete you

Ervin Santiago - April 17, 2024 - 08:00 AM

Hugot ni Vice sa mga single: You don't need a partner to complete you

Ion Perez at Vice Ganda

NAGPAKAWALA ng love advice ang Phenomenal Box-Office Star si Vice Ganda para sa mga nawawalan na ng pag-asa na magkadyowa.

Halos lahat ay sumang-ayon sa TV host-comedian sa naging payo nito sa mga taong hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang taong itinadhana para sa kanila.

Baka Bet Mo: Jayda Avanzado binigyan ng pag-asa si Aljon Mendoza sakaling manligaw: ‘Bahala na kung saan kami dalhin ng tadhana…’

Nabanggit ng komedyante sa harap ng madlang pipol at madlang Kapuso na hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mga taong single at zero lovelife pa rin until now.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa pinag-uusapan at laging trending na segment ng “It’s Showtime” na “EXpecially For You”, nagbigay ng diretsahan at makatotohahang payo si Vice patungkol sa naturang usapin.

Sey ng asawa ng model-host na si Ion Perez, hindi dapat minamadali at pinipilit ang pagpasok sa isang relasyon o paghahanap ng dyowa.

“You actually don’t need to rush, and you don’t need a partner to complete you,” ang sey ng komedyante.

Naniniwala rin siya na kung talagang para sa iyo ang isang tao ay gagawa ng paraan ang universe para pagtagpuin kayo at mabigyan ng magandang love story.

In fairness, maligayang-maligaya pa rin si Vice sa piling ng kanyang partner na si Ion. Ikinasal sila noong October, 2021 sa Las Vegas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nauna rito, muling ibinandera ni Ion ang kanyang wagas na pagmamahal kay Vice sa birthday party nito recently sa pamamagitan ng isang video.

Baka Bet Mo: Nico Bolzico nawalan ng pag-asa, 2 linggo nang ‘missing’ ang pet cat

“Unang-una sa lahat, pinagpapasalamat ko sa Diyos na binibigyan ka pa rin ng malakas na pangangatawan at malinaw na pag-iisip.

“Kasi alam naman ng mga tao rito kung gaano ka mag-isip at kung gaano ka ka-(hardworking) na tao.

“Kasi ‘yun nga sabi nina ate Anne (Curtis), brod Vhong (Navarro), kuya Jhong (Hilario), mga ‘Showtime’ family, alam nila kung gaano ka kasipag na  tao.

“Pero ako, ang masasabi ko lang na paulit-ulit, ‘yung lagi kong ipaparamdam sa iyo ang pagmamahal ko, hanggang kaya ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sabi ko nga maraming rason ang tama para maging mali, pero ‘yung pagmamahal ko sa iyo ay hindi magiging mali,” ang emosyonal na mensahe ni Ion para sa kanyang asawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending