FB ni Cassy Legaspi na-hack; naloka sa ginawa ni Darren?

FB ni Cassy na may 21-M followers na-hack; naloka sa ginawa ni Darren?

Ervin Santiago |April 16,2024
facebook
share this

FB ni Cassy na may 21-M followers na-hack; naloka sa ginawa ni Darren?

Ervin Santiago - April 16, 2024 - 12:08 PM

FB ni Cassy na may 21-M followers na-hack; naloka sa ginawa ni Darren?

HOT topic ngayon sa social media ang pagkalat ng mga video clips kung saan mapapanood ang mga sweet moments nina Darren Espanto at Cassy Legaspi.

Nagsimulang mag-viral ang nasabing mga reels sa social media nitong weekend na nagmula umano sa Facebook account ni Cassy.

Ito rin yung time na magkasunod na nagdenay ang rumored couple na wala silang relasyon, as in friends lang daw sila sa totoong buhay.

Kaya ang akusasyon kay Cassy, parang kinontra niya ang naging pahayag ni Darren sa “It’s Showtime” na hindi niya dyowa ang kakambal ni Mavy Legaspi.

Feeling ng mga netizens, na-bad trip at na-turn off ang anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa pagdedenay sa kanya ng Kapamilya actor-singer.

Baka Bet Mo: Cassy Legaspi sa relasyon nila ni Kyline Alcantara matapos mag-unfollow sa isa’t isa sa Instagram: ‘I think, civil po’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pero nitong nagdaang araw, mariing pinabulaanan ni Cassy na siya ang nag-upload ng mga video clip na nagpapakita ng sweet moments nila ni Darren na kuha sa ilang events na dinaluhan nila.

Ang mga naturang video clips ay naka-upload nga sa verified Facebook account ni Cassy, na merong 21 million followers. Naglalaman din ito ng personal encounters at interviews nila ni Darren.

Paglilinaw ni Cassy na ibinahagi niya sa kanyang Instagram Stories, hindi raw siya ang nasa likod ng pagpo-post ng mga video sa kanyang Facebook page.

Aniya, taong 2021 daw na-hack ang FB page niya at never na raw niya itong in-open at ginamit.

Kaya ang suspetsa niya, ang hacker ang nag-a-upload ng mga video nila ni Darren sa nasabing FB account na nakapangalan pa rin kay Cassy.

Ang caption ng TV host-actress sa ipinost niyang screenshot ng dati niyang FB account, “This Facebook account USED TO be mine, until I was hacked in 2021.

“So to clear things up, this account is currently IS HACKED and NOT HANDLED BY ME,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pakiusap pa ng dalaga sa kanyang mga socmed followers, agad na i-report ang naturang hacked account para hindi na magamit ng mga hacker at scammer sa panloloko ng kapwa.

Sey ni Cassy, “Would like to ask for help to report this account, thank you all so much (praying hands emoji).”

Ipinost din ng twin sister ni Mavy ang bago niyang verified Facebook account na meron na ngayong 52K followers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending