Carmina, Cassy hinamong pangalanan ang taong pinatatamaan

Carmina, Cassy hinamong pangalanan ang taong pinatatamaan sa socmed

Ervin Santiago |April 11,2024
facebook
share this

Carmina, Cassy hinamong pangalanan ang taong pinatatamaan sa socmed

Ervin Santiago - April 11, 2024 - 11:15 AM

Carmina, Cassy hinamong pangalanan ang taong pinatatamaan sa socmed

Darren Espanto, Cassy Legaspi, Carmina Villarroel, Mavy Legaspi at Zoren Legaspi

HINAMON ng mga netizens ang mag-inang Carmina Villarroel at Cassy Legaspi na pangalanan ang taong pinariringgan nila sa social media.

Halos magkasabay kasi na nag-post ng nakakaintrigang mensahe sa kani-kanilang social media accounts sina Carmina at Cassy kaya talagang naintriga ang mga netizens.

Na-curious ang kanilang mga followers kung para kanino ang Instagram post ng asawa at anak ni Zoren Legaspi nitong nagdaang April 9.

Baka Bet Mo: KathNiel fans nagluluksa; Kim-Xian, Richard-Sarah hinamong umamin na rin

Feeling ng kanilang IG followers ay may pinatututsadahan ang magnanay sa kanilang mga post at kanya-kanya ngang hula ang mga netizens kung sino ito.

Sey ni Carmina sa kanyang IG post, “Don’t expect the same in return.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Darren Espanto (@darrenespanto)


Ipinost naman ni Cassy ang screenshot ng hit song ng International singer na si Olivia Rodrigo na “Favorite Crime.” Narito ang bahagi ng lyrics ng kanta:

“Those things I did

“Just so I could call you mine

“The things you did

“Well, I hope I was your favorite crime

“You used me as an alibi

“I crossed my heart as you crossed the line

“And I defended you to all my friends.”

Baka Bet Mo: Barbie hinamon si AJ Raval: Kung hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka

Ang pagpo-post ng mag-ina ng mga nasabing cryptic message ay tumayming sa naging pahayag ng Kapamilya actor-singer na si Darren Espanto na friends lang sila ni Cassy.

Parang nabwisit pa nga ang binata nang matanong uli siya kung ano na ba talaga ang real score sa kanila ni Cassy.

“Makulit sila, e. Sabi namin, best friends lang kami ni Cassy. Best friends talaga, e. Parang it’s something that a lot of people, I guess, won’t get.

“Hindi ko alam kung paano i-explain, but siyempre andun pa rin yung pagmamahal namin para sa isa’t isa,” aniya pa.

Ang tanong, si Darren nga kaya ang pinatatamaan nina Carmina at Cassy sa kanilang cryptic post o ibang tao? Oh, well, abangan na lang natin ang susunod na kabanata sa isyung ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel)


At kasunod nga nito, hinamon ng ilang netizens ang mag-ina na kung matapang nga ang mga ito ay ibandera na ang identity ng pinatutungkulan nila para magkaalaman na.

May mga nagsabi naman na mukhang ibang tao at hindi si Darren ang pinatatamaan ng magnanay sa kanilang mga post.

Narito naman ang ilang reaksyon ng ating mga ka-BANDERA sa isyung ito.

“Tama lang desisyon mo accla…ok na maging frend lang kayo ni mama’s gurl..mahirap magkaroon ng byenan na paladesisyon.”

“Frndzone ba lols!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Toxic mama. Hahahaha!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending