Sofia Pablo brand new car ang regalo sa sarili sa 18th b-day

Sofia Pablo brand new car ang regalo sa sarili para sa kanyang 18th b-day

Ervin Santiago |April 15,2024
facebook
share this

Sofia Pablo brand new car ang regalo sa sarili para sa kanyang 18th b-day

Ervin Santiago - April 15, 2024 - 12:46 PM

Sofia Pablo brand new car ang regalo sa sarili para sa kanyang 18th b-day

KATAS ng sariling dugo’t pawis ng Kapuso young actress na si Sofia Pablo ang bagung-bago niyang sasakyan.

Yes, yes, yes mga ka-Marites all over the universe! Isang brand new car ang regalo ni Sofia sa sarili para sa kanyang 18th birthday last April 10.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang dalaga ng litrato habang nasa tabi siya ng puting sasakyan na may malaking red ribbon.

“Passenger princess era almost over. Happy birthday indeed!” ang maikling caption ni Sofia sa kanyang IG post.

Isa sa mga unang bumati kay Sofia ay ang kanyang ka-loveteam na si Allen Ansay na proud na proud sa bagong achievement ng dalaga.

Baka Bet Mo: Sofia Pablo umaming hindi sila nag-click ni Jillian Ward as friends: ‘Magkaiba po kami ng interes at may mga isyu rin’

“Congrats Aki,” ang post ni Allen sa comments section.

Nauna rito, nag-share rin si Sofia ng  kanyang 18th birthday video shot na kinunan pa sa Taipei, Taiwan. Pinusuan at ni-like ito ng kanyang mga fans and social media followers.

Samantala, muling mapapanood sina  Sofia at Allen sa upcoming GMA Afternoon Prime series na “Prinsesa ng City Jail.”

Makakasama nila rito sina Will Ashley, Beauty Gonzalez, Dominic Ochoa, Al Tantay, Minie Aguilar, Ayen Laurel, at Denise Laurel.

* * *

Pa-intense nang pa-intense ang bagong bisyo ng bayan gabi-gabi, ang “Asawa Ng Asawa Ko!” sa GMA 7.

Tuloy ang agawan ng karapatan sa anak ni Cristy (Jasmine Curtis-Smith). Sino nga ba ang deserving na makasama ni Cristy, si Leon (Joem Bascon) na tunay na ama ng kanyang ipinagbubuntis o si Jordan (Rayver Cruz) na totoong mahal ni Cristy?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano naman kaya ang mga susunod na masamang plano ni Shaira (Liezel Lopez) para sirain ang relasyon nina Cristy at Jordan?

Tutok lang sa “Asawa Ng Asawa Ko,” Lunes hanggang Huwebes tuwing 9:35 p.m. sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. May delayed telecast din ito sa GTV tuwing 11:25 p.m.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending