Sofia Pablo umaming hindi sila nag-click ni Jillian Ward as friends: 'Magkaiba po kami ng interes at may mga isyu rin' | Bandera

Sofia Pablo umaming hindi sila nag-click ni Jillian Ward as friends: ‘Magkaiba po kami ng interes at may mga isyu rin’

Ervin Santiago |January 15,2023
facebook
share this

Sofia Pablo umaming hindi sila nag-click ni Jillian Ward as friends: ‘Magkaiba po kami ng interes at may mga isyu rin’

Ervin Santiago - January 15, 2023 - 07:25 AM

Sofia Pablo umaming hindi sila nag-click ni Jillian Ward as friends: 'Magkaiba po kami ng interes at may mga isyu rin'

Sofia Pablo, Jillian Ward at Althea Ablan

NAGPAKATOTOO ang Kapuso Princess na si Sofia Pablo sa kanyang naging sagot nang matanong tungkol sa matagal nang issue sa pagitan nila ng kapwa Sparkle artist na si Jillian Ward.

Humarap si Sofia sa ilang miyembro ng entertainment media nitong nagdaang Miyerkules, January 11, para sa bago niyang primetime series sa GMA 7, ang “Luv Is: Caught in His Arms.”

Kasama niya sa grand mediacon ng serye na collaboration nga ng Kapuso Network at Wattpad Webtoon Studios, ang ka-loveteam niyang si Allen Ansay.

Naroon din ang iba pang Sparkle artists na mas kilala sa tawag na Sparkadas na sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Tanya Ramos, Cheska Fausto, at Kirstin Gonzales.

First time namin uling nakita up close and personal sina Sofia at Allen makalipas ang mahigit dalawang taon kaya refreshing na makakita ng super cute ng tandem na masasabing isa sa most promising loveteams ngayon ng GMA 7.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sofia Pablo (@sofiapablo)


In fairness, ang lakas naman kasi talaga ng chemistry nina Sofia at Allen at magtinginan lang sila ay nagmumura na ang kanilang sweetness at pakilig vibes.

Samantala, sa isang bahagi ng presscon ay natanong nga si Sofia kung ano talaga ang isyu sa kanila ni Jillian Ward, na nakasama niya sa dating Kapuso afternoon drama series na “Prima Donnas.”

May mga chika kasi noon na binu-bully umano ni Jillian si Sofia pero walang sinuman ang nagsalita sa magkabilang kampo about this hanggang sa mamatay na lang nang kusa ang tsismis.

Pag-ami ni Sofia, hindi talaga sila ganu’n ka-close ni Jillian, “Kami po kasi ni Jillian, ever since, hindi po talaga kami yung nagdya-jive, as in.

“Kumbaga, magkaiba po kami ng interes. So, there are issues. Pero wala na po, matagal na po yun.

“So, hindi na rin namin siya napapag-usapan. It’s all in the past. So, we’re all happy sa success namin. I’m happy for her kahit na we never got to be the besties,” ang diretsahang pahayag ng dalagita.

“Pero happy ako kasi isa siya sa artista na nakatulong sa akin na naging tatlo kaming magkakapatid.

“And we know that Jillian is a good star, and I’m really proud of her, even hindi kami ganun ka super-duper close na may issues. I’m proud for the both of us,” dagdag pa niya.

Super thankful din daw siya sa “Prima Donnas” dahil doon talaga siya nagsimulang maging aktres at sa serye rin nabuo ang bonggang friendship nila nina Althea Ablan at Elijah Alejo.

“Kami naman po, mga Prima Donnas co-stars po, ganu’n pa rin po pag nagkikita kami, nagbabatian. Ayan! With Elijah, nag-congrats ako sa kanya kasi sabay kami mag-airing ng ‘Underage.’

“Hindi po talaga sila mawala sa puso’t isip ko, kasi iyon yung show na napakita ko po na, ‘Kaya ko ito, mahalin niyo ako guys,’ ganu’n! So, yung Prima Donnas po, nasa puso ko na talaga siya, forever and ever,” promise pa ni Sofia.

Dagdag pa niya, “I’m proud to all of us, kasi after Prima Donnas, nandito kaming lahat na patunayan namin na kaya naming maging next generation stars.”

Mapapanood na ang “Luv Is: Caught in His Arms” simula sa January 16 sa GMA Telebabad.

Jillian Ward ibinandera ang bonggang sasakyan; tinawag na next ‘Marian Rivera’

Sharon may mga taong gustong ipasuntok sa mukha; inalala sina Aga at Goma

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz sa acting ni Jillian Ward: Sana nag-immerse muna sa ospital para naaaral ang character

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending