Kapuso viewers na-heartbroken sa paghihiwalay nina Barbie at David; Sofia, Allen grabeng magpakilig sa 'LUV IS' Bandera

Kapuso viewers na-heartbroken sa paghihiwalay nina Barbie at David; Sofia, Allen grabeng magpakilig sa ‘LUV IS’

Ervin Santiago |January 26,2023
share this

Kapuso viewers na-heartbroken sa paghihiwalay nina Barbie at David; Sofia, Allen grabeng magpakilig sa ‘LUV IS’

Ervin Santiago - January 26, 2023 - 07:30 AM
Kapuso viewers na-heartbroken sa paghihiwalay nina Barbie at David; Sofia, Allen grabeng magpakilig sa 'LUV IS'

Sofia Pablo, Allen Ansay, David Licauco at Barbie Forteza

NA-HEARTBROKEN ang maraming viewers at netizens sa pamamaalam ni Barbie Forteza bilang Klay kay David Licauco as Fidel sa award-winning primetime series na “Maria Clara at Ibarra.”

Iniwan na nga ni Klay si Fidel sa mundo ng Noli Me Tangere para bumalik sa real world.

Say tuloy ng isang #FiLay fan, “Grabeeee nalungkot naman ako. Hindi yata magkakaroon ng happy ending ang love story niyo ni Fidel, haisssstt sayang naman! Ba’t naman ang sakit GMA??? Di niyo man lang pinag-kiss para mawala ang pighati namin.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)


May chance pa nga bang matuloy ang naudlot nilang pag-iibigan?

Samantala, shookt si Klay nang mabasa ang mga naging kaganapan sa pagtatapos ng Noli Me Tangere.

May magagawa pa ba siya para mailigtas si Maria Clara (Julie Anne San Jose) mula sa pang-aabuso ni Padre Salvi (Juancho Triviño)?

Ano naman kaya ang mangyayari kay Simoun (Dennis Trillo) sa pagsisimula ng El Filibusterismo?

Marami pang exciting at shocking na mangyayari sa last four weeks ng “Maria Clara at Ibarra.” Tutukan ‘yan tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa GMA Telebabad.

* * *

Good vibes at kilig naman ang hatid ng “LUV IS: Caught In His Arms” sa mga Kapuso viewers gabi-gabi.

Pinagbibidahan ito ng new-gen leading lady na si Sofia Pablo bilang Florence at ang new-gen leading man na si Allen Ansay as Nero, kasama ang Sparkada boys na sina Michael Sager bilang Owen, Vince Maristela bilang Tristan, Raheel Bhyria bilang Aldus, at Sean Lucas bilang Troy.

Puring-puri ng viewers at netizens ang pilot week ng show. Sabi ng isang netizen, “Ganda agad premiere pa lang! Pasasayahin na naman ako every night ng GMA! Para akong nanonood ng movie dahil sa cinematography!”

Sa latest episode ng serye, unti-unti nang lumalambot ang puso ni Nero dahil sa pagiging bubbly at charming ni Florence.

Eh, paano naman ang ibang Ferell boys? Matatanggap na rin ba nila bilang parte ng kanilang buhay ang chef na si Florence?

Abangan ang marami pang pampa-good vibes at pakilig na eksena sa “LUV IS: Caught In His Arms”, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Paul Salas aminadong ‘clingy’ na dyowa kay Mikee Quintos; pananampal ni Barbie Forteza kay David Licauco trending

Suzette Doctolero ipinagtanggol ang ‘Maria Clara at Ibarra’ laban sa netizens: Kakapanood n’yo yan ng kabitan!

Barbie Forteza shookt sa mga papuri ng Pinoy viewers sa ‘Maria Clara at Ibarra’: Hindi po namin inaasahan ‘to!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending