Cristy nagtataka sa 'di pagbati nina Sharon, Kiko sa b-day ni KC

Cristy takang-taka sa hindi pagbati nina Sharon at Kiko sa 39th b-day ni KC

Pauline del Rosario |April 14,2024
facebook
share this

Cristy takang-taka sa hindi pagbati nina Sharon at Kiko sa 39th b-day ni KC

Pauline del Rosario - April 14, 2024 - 01:09 PM

Cristy takang-taka sa hindi pagbati nina Sharon at Kiko sa 39th b-day ni KC

Kiko Pangilinan and Sharon Cuneta, KC Concepcion

“TALAGA bang hindi binati? Ano kaya ang dahilan? Bakit kaya?”

Ilan lamang ‘yan sa mga tanong ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin matapos mapansin na hindi bumati ang mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan sa nakaraang 39th birthday ni KC Concepcion noong April 7.

Sa “Cristy Ferminute” na ibinandera sa YouTube noong April 11, nagpahayag ng opinyon si Nanay Cristy kasama si Romel Chika patungkol sa kumakalat na nasabing isyu.

Ayon sa kanila, maraming netizens ang naghahanap sa ibabanderang birthday greeting ng couple, pero hanggang ngayon ay walang paramdam.

“Marami ang naghihintay. Lumipas ang birthday…eh anong petsa na ngayon? Wala pa ring pagbati,” sey ni Romel.

Baka Bet Mo: Sharon super cry sa concert nila ni Gabby, nag-sorry kay KC: ‘We couldn’t give you that complete family…’

Ang pakiramdam ni Nanay Cristy, “Hindi kaya ikinasama nanaman ng loob ni Sharon ‘yung pagsama ni KC sa kanyang mga half-sisters sa partido ni Gabby? ‘Yun kaya ‘yun?”

Sumang-ayon naman diyan ang kanyang kasamahan at sinabing: “Kasi knowing Sharon Cuneta eh ma-post naman ‘yan sa mga ganyang bagay kasi mapuso ‘yan sa lahat ng mga ganyang bagay.”

Naibalita rin ni Nanay Cristy na maliban sa pagbati ay hindi rin daw present ang mag-asawa sa birthday salubong ni KC.

“Pero hindi ba may mga Pangilinan na sumalubong sa kanyang kaarawan, pero wala rin doon ang mag-asawa. Ano kaya ang dahilan? Bakit kaya?” pagtataka ng kolumnista.

Dagdag niya, “Nakakalungkot naman ‘diba. Sabi ko nga sa’yo, ang kaarawan, hati ‘yan. Kalahati ay lungkot, kalahati ay saya kapag mayroong hindi nakakaalala at kapag meron tayong inaalalang wala na.”

“Gaya ‘yan si KC, sumama [at] nakipag-bonding sa kanyang half-sisters kay Gabby. Baka ‘yun ‘yung pinagmulan nanaman, naging ugat nanaman nitong silent [war] nila,” ani pa niya.

Sagot naman sa kanya ni Romel: “Malamang…kasi may history naman na ganun.”

Giit ni Nanay Cristy, “Ang alam ko lang at nakikitang dahilan, ‘yung pagsama ni KC doon sa mga half-siblings niya kay Gabby.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dugtong naman ni Romel,  “Opo ‘Nay kasi alam naman natin na nasabi dati ‘yan ni [Sharon] na nasasaktan siya bakit ganun, mas malapit nga si KC sa mga kapatid niya doon sa iba kaysa sa tunay na mga kapatid niya sa ina.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending