Angelica sa 1st dental visit ng anak: Ang bilis ng panahon!

Angelica sa 1st dental visit ng anak: Bakit ganito, ang bilis ng panahon!

Pauline del Rosario |April 14,2024
facebook
share this

Angelica sa 1st dental visit ng anak: Bakit ganito, ang bilis ng panahon!

Pauline del Rosario - April 14, 2024 - 11:31 AM

Angelica sa 1st dental visit ng anak: Bakit ganito, ang bilis ng panahon!

PHOTO: Screengrab from Instagram/@iamangelicap

PROUD na ibinandera ng celebrity mom na si Angelica Panganiban ang kauna-unahang pagbisita sa dentista ng kanyang anak na si Amila Sabine Homan o mas kilala bilang si Baby Bean.

Sa Instagram, ibinida ng aktres sa isang video kung gaano katapang ang kanyang anak sa clinic.

Mapapanood sa umpisa na nilalaro pa ng dentista at ilang staff ang first baby ng mag-asawang Angelica at Gregg Homan.

Nakakatuwa ang video dahil makikitang behave na behave si Baby Bean habang nililinis na ang kanyang mga ngipin.

Kahit patuloy ang paglibang sa chikiting, mapapansin na sumusunod din ito sa instructions ng dentista.

Baka Bet Mo: Angelica Panganiban umiyak ng 3 oras, Judy Ann Santos to the rescue

Mababasa sa IG post ng aktres na tila hindi siya makapaniwala sa mabilis na paglaki ng kanyang anak.

“Huhuhu ang bilis ng panahon bakit ganito???” caption niya.

Kwento niya, “SKL (share ko lang) first dental visit ni beanie marie with you guys. Ang saya kasi. Nakaka proud [holding back tears].”

“Matapang pa po siya sa iba satin [laughing emoji] pero kasi naman nakakawala talaga ng kaba dahil ang friendly po nilang lahat sa @gaocdental nakahanap si bean ng barkada sa kanila [winking face with tongue emoji],” dagdag pa ng celebrity mom.

Paliwanag ni Angelica, sa murang edad pa lang ay nais na niyang magkaroon ng healthy dental routine ang anak.

“Para as early as now, matutunan na ni bean ang dental hygiene. At magabayan din kami. What a happy experience indeed [hearts emoji],” sambit niya sa post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Sa comment section, maraming netizens ang natuwa at naaliw sa latest update kay Baby Bean.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Brave little girl [clapping hands, smiling face with heart eyes emojis]”

“Galing galing naman ng baby…dinaig pa ako haha…good job Bean. And a big thumbs up sa inyo @iamangelicap @gregg_homan”

“You did a very good job Bean! [blue heart, blushing face emojis]”

“Such a good girl talaga [clapping hands emoji]”

Magugunitang December 31 last year nang maganap ang intimate wedding nina Angelica at Gregg.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

October 2022 nang ibandera ng mag-asawa ang kanilang engagement after more than two years of dating.

Isinilang naman ang anak nilang si Amila Sabine noong September 20, 2022.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending