Angelica Panganiban ibinandera ang bagong kotse, pinagsabihan ng netizens?
PROUD na ibinandera ng aktres na si Angelica Panganiban ang kanyang bagong biling sasakyan.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya sa madlang netizens ang kanilang red family car na matagal na niyang inaasam.
“Long overdue post after the Holiday festivities! For a family car, napusuan din namin itong [sasakyan]. Safe, fun to drive, daming tech features, and perfect talaga siya para sa long drives namin from Subic to Manila and back,” pagbabahagi ni Angelica.
Aniya, ang best part daw ng sasakyan ay ang pagkaka-enjoy ni Baby Bean sa kanyang puwesto sa likod.
“Best part is that enjoy din ni Bean ang kanyang time sa backseat dahil sa dami ng space niya magkulit!” dagdag pa ni Angelica.
Bagamat marami ang happy para sa bagong sasakyan ng actress-comedienne, marami naman ang naalerto dahil kitang-kita sa mga larawang ibinahagi niya ang plate number ng kanilang sasakyang mag-anak.
Baka Bet Mo: Angelica Panganiban na-diagnose ng sakit na avascular necrosis
View this post on Instagram
Narito ang ilang mga concerns ng netizens sa post ni Angelica.
“mhieee, concern lang po. hope you could blur your plate number next time for safety purposes,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, dapat raw higpitan ni Angelica ang car seatbelt ni Bean para sa kanyang safety habang nasa biyahe.
“Hi! you have to tightened Bean’s seatbelt in her car seat to keep her safe,” sey ng isang netizen.
Pagalit naman ng isang netizen, “Your child is not safe by putting her seat best loose. You should learn how to properly secure her seat belt or go to a class! Don’t be to show off everyone know you can afford to buy a luxury SUV but not the life your child!”
Wala pa namang reaksyon si Angelica hinggil sa mga napansin ng mga netizens.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.