Ronnie Ricketts na-phobia sa public service: Ang sama ng loob ko noon!
NAGKA-PHOBIA na ang action star na si Ronnie Ricketts sa paghawak ng posisyon sa gobyerno matapos masangkot sa isyu ng katiwalian.
Bagamat napawalang-sala sa mga isinampang kaso laban sa kanya noong maging pinuno ng Optical Media Board, parang na-trauma na siyang pumasok sa public service.
Kuwento ni Ronnie, ang reklamong isinampa sa kanya ay may kaugnayan sa “mishandling of seized pirated DVDs and VCDs” noong 2010 habang pinamumunuan ang Optical Media Board o OMB.
Taong 2022 lamang siya napawalang-sala ng Korte Suprema pero ang ikinalungkot niya nu’ng panahon na yun ay hindi masyadong nabalita ang pag-absuwelto sa kanya sa kaso.
Baka Bet Mo: Richard Yap nawalan ng posisyon sa negosyo ng pamilya matapos ipaglaban ang babaeng pinakamamahal
“Pero the funny thing, hindi na masyadong na-news (acquittal), eh. Pero nu’ng ako ‘yung natalo noong una, grabe banat sa akin left and right. So ang sama ng loob ko noon,” ang pagbabalik-tanaw ni Ronnie nang mag-guest sa “Fast Talk with Boy Abunda”.
Ang sumunod na tanong ni Tito Boy kay asawa ng actress na si Mariz, babalik pa ba siya sa pagsisilbi sa pamamagitan ng iba’t ibang posisyon sa gobyerno.
View this post on Instagram
“Na-phobia ako eh. Actually, may offer sa akin bumalik, pero ganu’n lang (isang pitik ng daliri), kayang sirain pangalan mo,” ang himutok ng beteranong aktor.
Siguro raw kapag naramdaman niyang “calling” niya talaga ang public service ay baka pag-isipan din daw niya.
Baka Bet Mo: Aiko balik-ABS-CBN para sa bagong teleserye; totoo bang may planong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2025?
Ayon naman sa misis niyang si Mariz, ang graft case na kinasangkutan ni Ronnie noon ang pinakamatinding pagsubok na pinagdaanan nilang mag-asawa pati na ng kanilang pamilya.
“Pero yun din ang nagpatapang sa ‘kin kasi nakita ko gaano kaapektado si Ronnie and, really, he was so, so sad. Naawa ako sa kaniya,” pahayag ni Mariz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.