Cassy nilinaw na walang isyu kay Darren, walang pinapatamaan

Cassy nilinaw na walang isyu kay Darren, walang pinapatamaan sa recent posts

Pauline del Rosario |April 13,2024
facebook
share this

Cassy nilinaw na walang isyu kay Darren, walang pinapatamaan sa recent posts

Pauline del Rosario - April 13, 2024 - 01:57 PM

Cassy nilinaw na walang isyu kay Darren, walang pinapatamaan sa recent posts

PHOTO: Instagram/@cassy

NAGSALITA na ang Kapuso young actress na si Cassy Legaspi hinggil sa kumakalat na isyu sa pagitan nila ng Kapamilya actor-singer na si Darren Espanto.

Magugunita na usap-usapan sa mundo ng social media ang dalawa, pati na rin ang ina ni Cassy na si Carmina Villaroel matapos bumandera sa Instagram Stories ang pinaniniwalaang “patama posts” ng mag-ina kay Darren.

Sa interview ng morning program ng GMA na “Unang Balita,” iginiit ni Cassy na matalik niyang kaibigan ang aktor at wala naman daw “bad blood” sa pagitan nila.

“It’s so hard to explain what we have, pero bestfriends talaga kami,” sey niya.

Ayon pa sa report, nilinaw ng young actress na walang ibig sabihin at wala silang pinaparinggan ng kanyang ina sa mga nakaraang posts.

Baka Bet Mo: Darren: Kami po ni Cassy we are very close, alam namin ang lahat ng tungkol sa isa’t isa…

Naikuwento rin niya sa panayam na mahilig siyang mag-post ng mga kanta, habang si Carmina naman daw ay mga bible verses o kaya naman ay quotes.

Maaalalang ang recent post ni Cassy ay ang kantang “Perfect Crime” ni Olivia Rodrigo, habang si Carmina ay nagbandera ng isang quote na ang nakasulat ay:  “Don’t expect the same in return.”

Dahil diyan sa mga nasabing posts, pilit itong ikinakabit ng ilang netizens sa pag-amin ni Darren sa isang panayam na siya ay single at mag-bestfriends lang sila ng babaeng anak ni Carmina at Zoren Legaspi.

“Best friends talaga. It’s something a lot of people won’t get. Hindi ko alam paano explain pero syempre andun ‘yung pagmamahal namin sa isa’t isa,” sey ng singer-actor.

Kamakailan lang din ay naging hot topic ito ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin sa “Cristy Ferminute.”

Kinukwestiyon niya kung bakit ginawan ng isyu ang pag-anunsyo ni Darren na siya ay single, lalo na’t wala namang pag-amin ang dalawang artista mula pa ‘nung umpisa pa.

“Bakit magkakaroon ng anumang isyu sa pagitan ni Darren at ni Cassy? Ang unang tanong, umamin na ba sila na naging magkarelasyon sila? Kahit ‘nung nagpunta sila sa Amerika, anong sabi nila, tight as friends lang sila,” sey ng veteran columnist sa latest episode ng “Cristy Ferminute.”

Patuloy niya, “Wala namang umamin sa kanila na magkarelasyon sila kaya ngayon na sinabi ni Darren na wala siyang girlfriend, anong isyu?”

Ever since din naman talaga ay naging vocal sina Darren at Cassy tungkol sa kanilang friendship.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung maaalala, nauna nang sinabi ng aktor na ine-enjoy pa nilang dalawa ang isa’t-isa at hindi sila nagmamadali pagdating sa pag-ibig.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending