John Vic, Jeff Moses pinangakuan ng kotse, pera ng mga beki

John Vic, Jeff Moses pinangakuan ng kotse, pera, shopping ng mga beki

Ervin Santiago |April 11,2024
facebook
share this

John Vic, Jeff Moses pinangakuan ng kotse, pera, shopping ng mga beki

Ervin Santiago - April 11, 2024 - 07:45 AM

John Vic, Jeff Moses pinangakuan ng kotse, pera, shopping ng mga beki

Jeff Moses, Boy Abunda at John Vic de Guzman

MABENTA sa indecent proposal lalo na sa mga bading ang mga Kapuso stars na sina John Vic De Guzman at Jeff Moses.

Maraming beses na raw nakatanggap ng mga indecent proposal sina John Vic at Jeff mula sa iba’t ibang tao at kung anu-ano ang inaalok kapalit ng kanilang “serbisyo.”

“Nakatanggap na ba kayo ng indecent proposals?” ang diretsahang tanong ni Tito Boy Abunda kina John Vic at Jeff sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” episode nitong nagdaang Martes.

Baka Bet Mo: Loisa, Ronnie may plano raw lumipat sa GMA; Kid Yambao payag sa indecent proposal

“Yes po, madaming beses,” ang mabilis na sagot ni John Vic. Dugtong niya, “Well, ako kasi, Tito Boy kapag may indecent proposal, usually hindi ko talaga pinapansin.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Vic Ortiz De Guzman (@johnvicdeguzman)


Sa social media raw madalas nakakatanggap ng kung anu-anong offer ang team captain ng Philippine Men’s national volleyball team kung saan nangangako ang mga nakikipag-chat sa kanya ng mamahaling bagay.

“May isang nangyari. Nag-chat sa akin sa Facebook. Ang sabi niya sa akin, ‘John Vic, kung may free time ka ngayong December, bago ako bumalik ng January, magkita sana tayo.

“May sasakyan naman ako, susunduin kita, bilhan kita ng iPhone, bigyan kita ng money, punta tayo sa ibang lugar, ipag-shopping kita, kahit anong gusto mo,” pag-amin ng binata.

Baka Bet Mo: Kilalang loveteam ayaw pang aminin ang relasyon kahit bukelya na; hunk model natakot kay Direk Tonette

Not sure ang aktor at athlete kung girl o bading ang nag-alok sa kanya dahil sigurado siya na fake ang profile photo nito lalo na ang gamit na pangalan.

“So, ang ginawa ko, in-screenshot ko, sinend ko sa group namin ng ‘The Boobay and Tekla Show.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jeff Moses 🪐 (@jeffmoses_)


“Ang sabi nila sa akin, ‘Ganito gawin mo, makipagkita ka, sumakay ka ng sasakyan, then sabi mo, ‘Saglit lang, sasakay kaming lahat.’

“Tapos sabay-sabay natin isigaw, ‘Na-TBATS ka!’” ang natatawang chika ni John Vic.

Samantala, maraming beses na ring nakatanggap ang “Abot-Kamay Na Pangarap” actor na si Jeff Moses.

“Through social media. May nag-offer na ganoon, money, may nag-offer ng kotse. Tapos, ayun, hindi ko rin naman pinapansin,” sey ni Jeff.

“Same kay John Vic. May pinapasabi din through friends. Hindi ko rin naman kilala. Wala naman din naman dini-disclose sa akin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ko rin naman po ini-entertain ‘yung mga ganoon,” ang rebelasyon pa ni Jeff.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending