Kilalang loveteam ayaw pang aminin ang relasyon kahit bukelya na; hunk model natakot kay Direk Tonette | Bandera

Kilalang loveteam ayaw pang aminin ang relasyon kahit bukelya na; hunk model natakot kay Direk Tonette

Reggee Bonoan |January 06,2022
facebook
share this

Kilalang loveteam ayaw pang aminin ang relasyon kahit bukelya na; hunk model natakot kay Direk Tonette

Reggee Bonoan - January 06, 2022 - 02:06 PM

Jeff Camus

HOW true na may unawaan na ang aktor at aktres na magkatambal sa isang programa na ayaw pang umamin dahil may mga inaayos pa silang mga bagay-bagay.

Nang ikuwento ito sa amin ng aming source ay napakunot noo kami dahil ano ba ang dapat nilang ayusin, e, pareho naman silang single? Wala naman silang maaagrabyadong tao kung aaminin na nila.

“E, surprise raw, ewan ko kung masu-surprise pa ang lahat, e, marami namang nakakaalam na matagal nang sila.

“Ganitung-ganito ‘yung senaryo noong si ____ (aktres) nang naghiwalay sila ng boyfriend niya, umabot muna ng isang taon bago umamin na may dyowa na siya ulit.

“So, malamang si ____ (aktres) ang nagsabi kay ____ (aktor) na huwag muna silang aamin kasi siguro gusto munang paabutin ng isang taon, pero feeling ko hindi na ‘yan aabot kasi bumibigay na, eh. May mga pahapyaw na si guy,” tsika ng aming source.

Sabi pa sa amin na kung noong hindi pa uso ang lock-in shoot at taping ay nagkakagustuhan ang mga artista ay mas lalo raw ngayon na halos isang buwan kayong magkakasama at wala kayong ibang kausap kundi ang isa’t isa.

“More than 100% ang possibility na magkakadyowa ka talaga sa taping o shoot kaya kapag napansin mo ‘yung dating mga artista na kaswal lang sa simula at pag nagtagal e, naiba na ang body language, asahan mo, me something na.

“Lalo na kung magkapareha pa ay may mga intimate scenes, susme hindi ka ba tatamaan no’n?  Bato ka na lang pag wala kang naramdaman lalo na kung alam mong gusto ka o crush mo naman,” detalyadong kuwento pa ng kausap naming laging present sa lock-in shoot at taping.

Dagdag pa, “Sa totoo lang marami namang kababalaghang nangyayari now sa lock-in shoot  pakiramdaman lang.”

Naniniwala naman kami diyan dahil marami na kaming alam na nagkadebelopan dahil sa tagal ng pagsasama nila sa taping.

Going back sa aktor at aktres na hindi pa umaamin, sabi pa ng aming source, “Wait mo ‘til 2nd quarter of this year (2022). Aamin ‘yan.”

* * *
                                                               
Tuwang-tuwa si Jeff Camus nang manalong Mister Globe Asia crown at naging 3rd Runner-up placing last year sa international pageant na Mister Globe dahil napili siyang magbida sa isang short film ng kilalang canned goods brand na idinirek ng award-winning director na si Antoinette Jadaone.

Ito ang matagal nang pangarap ni Jeff bilang bit roles lang lagi ang naibibigay sa kanya kaya nu’ng alukin siya ay halos hindi siya makatulog lalo na nu’ng binanggit sa kanya kung sino ang direktor na isa sa idolo niya dahil lahat ng mga pelikula ng gusto niyang direktor ay pinapanood niya.

“Parang na-possess ako kay Direk! Natakot kaya ako!” bungad na kuwento ni Jeff.

Ito’y tungkol sa isang anak at kung paano nito ipinakita ‘yung pagmamahal nito sa kanyang ina, simula nang pagkabata hanggang sa lumaki ito. May kurot sa puso.”

Naging smooth naman daw ang shooting pero may mga eksena raw na halos nakailang beses ang takes dahil hindi niya makuha at maibigay ang tamang emosyon na hinihingi sa kanya ni direk Tonette.

“Natatakot ako actually. Kasi kala ko nairita na sa akin si Direk. Nangatog ako. Kaya pinagbutihan ko na lang.

“Paulit-ulit ‘yung instructions niya. Parang na-possess ako. In the end, I hope na ibigay ko naman ‘yung tamang hinihingi ni Direk,” kuwento ni Jeff.

Pagkatapos naman daw ng shoot ay humingi kaagad ng paumanhin si Jeff kay direk Antoinette na akala niya ay galit sa kanya.

At mukhang totoong sinubaybayan nga ni Jeff ang mga project ni direk Tonette dahil idolo rin nito sina Paulo Avelino at James Reid na parehong artista ng direktora sa TV series na “On The Wings of Love” na kasama rin si Nadine Lustre na isa sa dahilan kung bakit bumulusok paitaas agad ang tambalang JaDine love team.

Dahil sa kanyang challenging experience kay Direk Antoinnete, na -inspire siya na magtuloy tuloy na sa pag-arte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nurturing kasi si Direk. Parang Nanay. Sobrang inspiring itong experience ko with her. Kaya I’ll be joining a number of acting workshops soon. Hoping na mas mapagbuti ko at sana makatrabaho ko si Direk ulit,” pagtatapos ni Jeff.
https://bandera.inquirer.net/299298/cristy-bumuwelta-kay-barbie-wala-ka-pang-karapatang-tawaging-mistress-ang-sinuman
https://bandera.inquirer.net/289263/rabiya-mateo-ayaw-na-ayaw-ng-dinuguan-muntik-maputol-ang-dila-dahil-sa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending