Von Ordoña inireklamo ang engineer ng pinapagawang bahay

Von Ordoña inireklamo ang engineer ng pinapagawang bahay

Therese Arceo |April 09,2024
facebook
share this

Von Ordoña inireklamo ang engineer ng pinapagawang bahay

Therese Arceo - April 09, 2024 - 10:39 PM

Von Ordoña inireklamo ang engineer ng pinapagawang bahay

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang naging rebelasyon ng content creator na si Von Ordoña tungkol sa kanyang ipinapatayong dream house.

Sa isang video na in-upload niya sa Facebook ay inilahad niya na hindi na natuloy ang construction ng kanyang bahay dahil nagastos ng kinuha niyang engineer ang pondo sa pagpapagawa ng kanilang tirahan.

“Dalawang buwan akong hindi nakapunta rito dahil pinagkatiwalaan ko ‘yung engineer at developer ko dito sa paggawa ng bahay tapos hindi ko inaakala na ganito ‘yung dadatnan ko,” saad ni Von.

Bagamat sobrang nalungkot at galit ang nararamdaman ng content creator dahil dapat ay tapos na ang kanilang bahay ngayong Disyembre ay hindi ito mangyayari.

Baka Bet Mo: Paulo susugalan ang movie nila ni Kim; feeling lucky makatrabaho si Jake

Nanawagan naman si Von sa mga netizens na hikayatin ang mga kakilala nito na itigil na ang kanilang pagsusugal bago pa nito masira ang kanilang buhay.

“Tulungan nyo kong bulungan lahat ng mga kakilala nyong nag susugal na itigil na nila yan bago masira ang buhay nila at makapandamay ng iba,” sabi niya sa comment section.

Nanawagan rin si Von sa kapwa content creators na huwag magpabulag sa malaking bayad para mag-promote ng sugal.

“Para sa lahat ng mga content creators na nag popromote ng sugal alam nyo na ang tama at mali. Wag tayong magpabulag sa pera na inooffer nila lalo lang lulubog ang bansa natin dahil sa mismong kagagawan natin,” sey ng vlogger.

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabing dapat lang na panagutin ni Von ang kanyang nakuhang engineer.

“Mahirap sobrang tiwala, or sana man lang naglagay ka ng isang kamag anak or kakilala na magmomonitor sa site. Hard lesson to. Sobrang lala nyan, kasuhan nyo ng mabaon lalo,” komento ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey naman ng isa, ““Grabe na ngayon, talagang mapapasabi ka nalang ng ibang iba na talaga ang mundong ginagalawan natin ngayon . Kahit saan ako magpunta, puro online gambling ang naririnig ko. Maging sa mga kabataan.”

Base naman sa latest vlog ni Von ay nangako ang engineer na makikipag-usap ito sa kanya at kasalukuyan itong nasa Nueva Ecija.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending