Paulo susugalan ang movie nila ni Kim; feeling lucky kay Jake

Paulo susugalan ang movie nila ni Kim; feeling lucky makatrabaho si Jake

Ervin Santiago - March 21, 2024 - 08:32 AM

Paulo susugalan ang movie nila ni Kim; feeling lucky makatrabaho si Jake

Paulo Avelino at Kim Chiu

LOOKING forward na si Paulo Avelino na makagawa ng pelikula kasama ang leading lady niya sa “What’s Wrong with Secretary Kim?” na si Kim Chiu.

Ito rin actually ang request ng kanilang mga supporters, pero ang sabi nina Paulo at Kim, may perfect timing para sa lahat ng bagay.

Sa ngayon daw ay mag-enjoy muna ang respective fans nila ni Kim sa panonood sa “What’s Wrong With Secretary Kim” sa Viu Philippines at sa teleserye version ng “Linlang” sa ABS-CBN platforms.

Pero sey ni Pau, kung mabibigyan sila ng pagkakataon ni Kim na mag-collab sa pelikula, game na game raw siya at willing pang makipag-co-produce.

Baka Bet Mo: Kim, Paulo kontra sa office romance: Hindi talaga maiiwasan, pero…

“As of now wala pa (kaming movie), but if ever there’s going to be an opportunity to do a movie with Kim, of course I’ll be happy to do it. I’ll be happy to collaborate, or even co-produce it,” ani Paulo.

Sa kuwento ng “What’s Wrong With Secretary Kim”, gumaganap si Paulo bilang CEO ng isang kumpanya na isang narcissistic pero “lovable” at “crushable” naman.

Sey ni Pau, matinding challenge din sa kanya ang role sa serye dahil kabaligtaran daw nito ang pagkatao niya sa tunay na buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Actually he’s very different from me as a person. Because first of all, wala akong idea sa corporate office setting. Second is hindi ako ganu’n ka-narcissist like BMC (ang tawag sa kanya ng kanyang mga empleyado sa serye).

Baka Bet Mo: Paulo, Kim ramdam ang pressure dahil kina Park Seo-joon at Park Min-young

“But the nice thing about the creatives and direk Chad (Vidanes) is they tried to ground it and make it as realistic as possible, yung character ni BMC. So yung narcissism niya medyo over the top pa din pero hindi naman sobrang over the top like the original.

“It was grounded even more para mas maka-relate din and hindi um-OA sa panlasa nating mga Pinoy. GGSS pa rin pero hindi naman sobra-sobra,” paliwanag ni Paulo.

Samantala, happy din ang aktor na nabigyan din siya ng chance na makatrabaho sa unang pagkakataon ang BFF niyang si Jake Cuenca sa “What’s Wrong with Secretary Kim?”

“The nice thing about working with Jake is that he’s very professional and he’s always straight to the point with his character.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“He knows his character well so it’s just like a light switch. He can turn it on or off so there was no problem. It’s actually an honor that I got to work with Jake for a longer time,” sey ni Paulo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending