Banat ni Ai Ai sa nanlalait kay Gerald: Siya ang bumubuhay sa 'kin

Banat ni Ai Ai sa nanlalait kay Gerald: Sa US siya ang bumubuhay sa ‘kin

Ervin Santiago |April 02,2024
facebook
share this

Banat ni Ai Ai sa nanlalait kay Gerald: Sa US siya ang bumubuhay sa ‘kin

Ervin Santiago - April 02, 2024 - 07:05 AM

Banat ni Ai Ai sa nanlalait kay Gerald: Sa US siya ang bumubuhay sa 'kin

Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan

FEELING ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas ay napakaswerte niya sa pagkakaroon ng asawang tulad ni Gerald Sibayan.

Super proud si Ai Ai sa kanyang husband dahil napakaresponsableng asawa raw nito at tinawag pang “isang hulog ng langit.”

Sa interview ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay Ai Ai, ay isa sa mga napag-usapan nila ay si Gerald. Dito nga nasabi ng komedyana na napakaswerte niya dahil binigyan siya ni Lord ng napakabait na mister.

Baka Bet Mo: Ai Ai: Salamat Lord! Mababait ang mga anak ko, asawa ko mabait din, nanay ko 93 na pero walang sakit

Sey ni Ai Ai, “Isa yan sa super gift sa akin ni God, si Gerald. And isa pa, provider. Yun ang pinakaisa sa importante.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


“Hindi nila alam na, ‘Naku, si Ai Ai lang ang bubuhay diyan, blah, blah, blah!’ Hindi po. Sa Amerika po, siya ang bumubuhay sa akin,” ang pagmamalaki ng Kapuso star kay Gerald.

Samantala, sa isang Facebook post naman, ibinahagi ni Ai Ai ang quote card na hango sa interview sa kanya ni Tito Boy.

Aniya sa caption, nu’ng ipinaalam daw niya sa buong universe ang tungkol sa relasyon nila ni Gerald 10 years ago ay kaliwa’t kanang batikos at pangdudurog ang ginawa sa kanya ng mga tao.

Baka Bet Mo: Ai Ai bugbog-sarado sa netizens dahil sa pang-asar na TikTok video: Sayang ka, nakakahiya ka!

Hindi kasi matanggap ng mga bashers na nagkadyowa pa si Ai Ai ng lalaking 30 years ang agwat ng edad sa kanya.

Sey ni Ai Ai sa kanyang FB status, “Naalala ko tuloy 10 years ago kung paano tayo dinurog ng sambayanan lalo na ako ng bonggang bongga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


“Pero tiniis ko ang lahat (and sobrang wierd nga wala naman akong kasalanan nag boyfriend lang ako ng mas bata ang edad saken akala mo pumatay nako ng tao).

“Pero lahat ng sugat ay nahihilom ng panahon ( sa totoo lang ahhh infairnes saken napa kitabay ko din sa lahat ng bash na inabot ko yang pag hilom ng panahon na yan naminihasa nanyan ahhhh).

“Pero kaya ka pala binigay kasi the best ka …(hindi lang provider kundi mabuting asawa sa ibang aspeto .. pero hindi ka naman perfect).

“Naniniwala ako na pag madali at maganda bigay ng PANGINOON.. salamat dumating ka sa buhay ko .. and salamat kay Lord.

“The best si Lord talaga sa lahat ng bagay … isang patotoo sa milagro ng panginoon amen #ageisjustanumber,” mensahe pa ng komedyana.

Bukod dito, may isa pang post ang aktres about her husband, “Napaka swerte ko .. Sa totoo lang .. And sa experienced ko ang mabuting asawa ay bigay ng Dyos.

“Thank you Lord sa pag bibigay mo saken kay Gerald @gerald_sibayan .. sabi nya saken kaninang umaga habang pinapanood ko fast talk na nakatalukbong sya akala ko tulog gising pala may komento.

“Naku magbilang ka lang ng araw (meaning maganda daw sinasabi ko pag wala akong topak pero pag meron padala daw sya ng demonyo saken).

“Hahahahahahhahaha nyeta talaga tong asawa ko napaka karakter nakakatawa at higit sa lahat mahadero!!!! Pero ilove you so much my darling seryoso thank you for everything baka naman !!! Hehehe wohoooo @gerald_sibayan (pengeng pera),” sey pa ni Ai Ai.

Nagpakasal sina Ai Ai at Gerald sa Christ The King Church sa Greenmeadows, Quezon City, noong December 12, 2017.

Matatandaang sinabi rin noon ng aktres na hindi niya inakalang magkakaroon pa siya ng isang matinong lalaki sa kanyang buhay.

“Happy 9th year anniversary as a couple my darling ko… May our marriage be blessed with love, joy and companionship for all the years that we will be sharing.

“I always thought that a perfect husband is a myth, kathang isip lang… sabi sabi… kwento kwento kasi dati ang lalaki saken toxic…

“aba nag babago pala ang pananaw… totoo pala na may lalaking maayos, may asawang mabait meron palang forever… akala ko bilihan lang damit ang may forever (21)…

“Thank you very much for being my husband, my partner, my boyfriend, my friend my ka tsismisan at ang importante sa lahat my provider ang nag papakain saken…

“@gerald_sibayan—i love you so much my darling ko yes looking forward sa 10 years naten next year… tarush te going strong !!!

“Ang lungkot ng mga bashers at hater 9 years na e mali sila HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Seriously thank you LORD sa greatest blessing ng buhay ko. #paginggitpikit,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending