Sikat na aktres biglang pinagkakaguluhan ng boylets?

Sikat na aktres na may pinagdaanan sa buhay biglang pinagkakaguluhan ng boylets?

Reggee Bonoan |April 01,2024
facebook
share this

Sikat na aktres na may pinagdaanan sa buhay biglang pinagkakaguluhan ng boylets?

Reggee Bonoan - April 01, 2024 - 05:35 PM
Sikat na aktres na may pinagdaanan sa buhay biglang pinagkakaguluhan ng boylets?

KAYA pala ang ganda na ng awra ngayon ng sikat na aktres pagkatapos ng unos sa buhay niya ay dahil may nagpapakilig na sa kanya.

Kuwento ng taong nakakasama ng aktres, “‘Yung kasing matagal na niyang crush, kaibigan at nakakasama na niya ngayon sa mga lakaran at chumichika rin sa family niya kaya bonus points ‘yun.”

Patuloy niya, “Hindi nagkaroon ng chance na magkasama sa mga lakaran ang dalawa kasi nga si (aktor) ay laging taken at hindi naman kasi sila magka-batch.”

“Pero nagkasama na sila sa movie matagal na hindi lang sila magka-eksena kasi cameo role lang lola mo (sikat na aktres),” sey pa ng aming source.

Dagdag pa niya, “Nagagalingan si (sikat na aktres) kay (aktor na crush) umarte, e, aminin mo magaling naman talaga at mabait pa, napaka-gentleman kaya maraming napo-fall sa lolo mo (aktor).”

Baka Bet Mo: Male star pinrotektahan pa rin ang ex-GF na aktres kahit nakipagchurvahan sa isang aktor

“As of now, wala pang nasabi si (sikat na aktres) kung nagpaparamdam na si crushy niya kasi puro payo at mga future ang pinag-uusapan nila, kasi nga mas experienced na si (aktor) kaysa sa kanya kaya advice-advice lang,” chika ng taong nakakasama ng aktres.

Base rin sa mga napagtanungan namin ay boto ang halos lahat ng kaibigan ng sikat na aktres sa crush niyang aktor in case manligaw daw dahil matured na ito, may magandang direksyon sa buhay, may mga investment na at seryoso makipagrelasyon.

Sa parte naman ng aktor na crush ng sikat na aktres ay boto rin sila at sa katunayan ay may mga common friends sila kaya sabi nga ng isa, “ang showbiz nga naman akalain mo abot-tanaw lang dati, heto kasama mo na ngayon.”

Speaking of sikat na aktres, ang dami pa lang may gusto sa kanya now, isa-isang nagpaparamdam kasama na non-showbiz.

Pati mga personalidad na nasa ibang network ay type ang sikat na aktres.

Sabagay ang hot ng sikat na aktres ngayon.

Anyway, napasin naman ng isang source namin, “Nagpadagdag ba siya ng boobs? Parang nagkalaman at nag-iba ‘yung cleavage.”

Well, if ever na nagpadagdag nga ang sikat na aktres ay bumagay sa kanya at mas lalo siyang gumanda at lumakas ang appeal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

For sure, sising-sisi ang mga taong nanloko sa sikat na aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending