Bwelta ng tatay ng sanggol na kinarga ni JK Labajo

Bwelta ng tatay ng sanggol na kinarga ni JK: Alam po namin ginagawa namin

Ervin Santiago - March 31, 2024 - 11:26 AM

Bwelta ng tatay ng sanggol na kinarga ni JK: Alam po namin ginagawa namin

Photos from Niel Tubino Facebook, Reminiscence

NAKIUSAP ang mga magulang ng batang umiyak sa concert ng singer-songwriter na sj JK Labajo na huwag agad manghusga ng kanilang kapwa.

Nagpaliwanag uli si Niel Patrick Tubino, ang tatay ng 7-month-old na sanggol na si Fiyana na nag-viral sa social media dahil sa pag-iyak nito habang nagpe-perform si JK on stage.

Mariing itinanggi ni Niel na pumalahaw ng iyak si Baby Fiyana dahil naingayan ito sa napakalakas na tugtugan sa gig ni JK.

Aniya, nagtungo sila sa event dahil gusto nilang ipakarga sa singer-actor ang kanilang anak dahil “idol na idol” nito si JK

Baka Bet Mo: JK Labajo inalok ng ‘shot puno’ ng netizens, may patutsada: Ang universe nga naman

Base sa isang video clip, mapapanood si JK na binabasa ang hawak na card board nina Niel na may nakasulat na, “Kahit isang karga lang mula sa pinakabata mong fan, Kuya JK.”

Simulang paliwanag ng tatay ng bata, “Hindi totoo na pinapatahan o napansin niya  na umiiyak o tumigil sa performance.

“Siguro last two songs na ni JK, lumapit siya sa mga fans. So, ang ginawa ng misis ko para hinde masayang, lumapit na siya sa stage.

“One meter lang kayo. Ginawa ng paligid namin tumulong, doon na napansin ni JK. Binasa na niya yung board,” sabi ni Niel.

Dito na raw sumigaw si Niel ng, “Two months pa lang, kasama ka na nito.” Sinagot siya ng binata ng, “Two months?” Ito lang yung eksena na nakita sa viral video ni JK na umani nga ng kaliwa’t kanang batikos mula sa publiko.

“Para sa netizens, okay lang if reason is concerned sila sa baby namin but don’t worry alam po namin ginagawa namin,” depensa ni Niel.

Paliwanag pa niya, “Umiyak anak ko kasi ginising ko. Kapag ginising mo maiinis. Doon pa siya umiyak ng konti, noong umimik ako.

“Nag-hesitate si JK na hawakan si baby pero dahil nag-request kami…mabuting tao si JK, hindi binigo. Sabi ‘Umiiyak na, okay lang ba?’ Iyon ang ibig niyang sabihin. Bumaba si JK. Yumakap na kay baby,” paglilinaw pa ng tatay ng sanggol.

Siniguro rin daw nila ang safety ni Baby Fiyana bago sila magpunta sa concert, “Dumating kami, three adults, one is a doctor, bukod kami ng nanay who is a nurse, tita niya and grandparents.

“May earplugs kaming dala if ever ano mangyari, alam namin gagawin namin. Hindi namin kinailangan.

“Kahit pakay namin is malapit siya kay…to her idol, sinabi namin sa oras na maging irritable, aalis kami mabilis pa sa fake news,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Neri ipinakilala ang baby girl nila ni Chito: Grabe ang pagiging tsismosa ng ibang tao, nagawan agad ng kwento…

Patuloy pa ng ama ng sanggol, “Kaya kami pumunta 10 p.m para secured na hindi na maghintay anak namin. Saktong kakanta na December Avenue.

“Dumating kami kumakanta na December Avenue. Binantayan seats ng parents na supportive din sa kanya. Alam nila gaano kagusto ng apo niya. Gusto niya mabigay yung gusto,” sey pa niya.

Ayon pa kay Niel, paborito talaga ni Fiyana si JK at isa raw sa pampatulog nila sa bata ay ang hit song nitong “Ere”, “Narinig ng wife ko sa ‘Senior High. Tapos pag pinatutugtog niya tumatahimik si baby.

“Alam namin may bad words pero alam natin hindi agad maintindihan,  ang makuha niya lang musika at tinig. Humihinahon siya. Pag bad trip siya, pag moody, baby pa eh, pag bad mood patutugtugin namin nagiging masaya siya. Ngumingiti pa siya,” sabi pa.

Hindi na rin daw nila masyadong sineseryoso ang natatanggap nilang bashing mula sa mga netizens.

“Hangang ngayon pag napapanood ko naiiyak ako sarap sa feeling. Core memory niya iyon. Nayakap siya ng idol niya. Masaya kami umalis doon. We were able to give that to her.

“Thankful ako sa concern nila pero sana maging concerned tayo sa ating mahal sa buhay muna bago sa iba. Sana huwag din tayo mag base sa one angle lang, huwag mag focus sa isa lang, life has a lot of angles, you can’t be sure if tama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Paano tayo mag tatagumpay if sa isa lang tayo naka focus. Lastly, let us not forget to respect each other,” ang punto pa ni Niel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending