Imahen ng Our Lady of Fatima lumuha raw ng dugo: Mama Mary, ano ‘to!?
“DIYOS ko, Mama Mary! Ano ang ibig sabihin nito!?” ang gulat na gulat na nasambit ng isang deboto mg Birheng Maria sa Camarines Sur.
Ang nakagigimbal na balita, lumuha raw ng dugo ang isang imahen ng Our Lady of Fatima sa isang barangay sa Sagñay, Camarines Sur.
Base sa report ng GMA, naganap ang sinasabing pagluha ng dugo ng imahen noong March 20, 2024. Ito’y habang isinasagawa ang “house-to-house visitation” ng imahen ni Mama Mary na isa sa mga tradisyon ng mga Katoliko sa Sagñay.
Baka Bet Mo: Jane nasuntok sa mukha, napako sa tuhod habang nasa shooting ng ‘Darna’: Dugo siya nang dugo, sobrang sakit!
Ayon sa ulat, niyakap at hinalikan ng isang residente roon na si Salvacion Navalta nang dumating ang imahen ni Mama Mary sa kanilang bahay.
Kasunod nga nito ang hindi nila inaasahang tagpo. Ayon kay Salvacion, “Pagdating doon sa loob ng bahay namin binaba ko na sa may altar, niyakap ko po siya sabi ko ‘Mama Mary nandito ka naman sa akin.’
“Nang hahalik na ako sa kamay niya… tumayo ‘yung mga balahibo ko, parang nanghihina ‘yung mga tuhod ko. Sabi ko, ‘Mama Mary, ano ito?’
“Tapos sabi ko, ‘Diyos ko, Mama Mary, ano ang ibig sabihin nito?’” ang shocked na reaksyon ni Salvacion sa naturang panayam.
Nakita rin daw ng ilan pang tagaroon ang umano’y pagluha ng imahen na mabilis ngang kumalat sa lugar. Ayon sa mga nakasaksi sa nangyari, isa itong mensahe para magbalik-loob sa Panginoong Diyos.
Baka Bet Mo: Kris Bernal ‘di makapaniwalang ‘baby girl’ ang anak kay Perry Choi: Kasi lahat ng symptoms ko pang-boy!
Samantala, nakarating na rin ang insidente sa kumbento ng Saint Andrew the Apostle Parish sa Sagñay at maging sa Archdiocese of Caceres.
Sa ngayon, nagsasagawa na raw ng imbestigasyon ang Catholic Church upang malaman kung ano nga ba ang totoo sa pagluha ng dugo ng imahen ng Birheng Maria.
Ayon kay Rev. Fr. Luisito Occiano, spokesperson ng Archdiocese of Caceres, “Kaipuhan talagang examinon itong imahen, hilingon kung ano tong dugo na to, kung anong liquid itong nagluluwas sa mata kung actual or genuine blood, so kadakol pong mga investigation.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.