Kinopya nga ba ng magna cum laude graduate sa Camarines Sur ang valedictory speech? | Bandera

Kinopya nga ba ng magna cum laude graduate sa Camarines Sur ang valedictory speech?

Therese Arceo - July 14, 2022 - 03:54 PM

Kinopya nga ba ng magna cum laude graduate sa Camarines Sur ang valedictory speech?

ISANG video ang kasalukuyang kumakalat sa social media hinggil sa diumano’y plagiarized valedictory speech ng magna cum laude graduate mula sa Camarines Sur.

Kinopya raw kasi ito sa valedictory speech ng isang cum laude mula sa isang kilalang unibersidad sa Maynila na nagtapos noong 2019.

Umiikot sa paksang pagkakaroon ng “stereotyping” pagdating sa “superior at inferior courses” ang naging speech ni Jayvee Ayen, ang magna cum laude at Top 1 sa Batch 2022 ng Camarines Sur Polytechnic Colleges

Aniya, hindi raw dapat kapitan ng salitang “lang” kung anuman ang napiling kurso o larangan nais pag-aralan ng isang mag-aaral.

Lang… a shortened Filipino word for ‘lamang’, which means mere just or only…” bahagi ng talumpati ni Jayvee na kaparehas rin ng talumpati ni Mariyela Mari Hugo na nagtapos bilang cum laude sa kursong Bachelor of Science in Secondary Education major in English sa Far Eastern University noong 2019.

Kapansin-pansin rin ang tila pagkakaparehas ng tema ng isinulat nilang valedictory speech at tila may mga pinalitan lang na mga kurso at ilang linya pero halos pareho lang ang itinutumpok ng naturang talumpati. Maging ang paraan ng pag-deliver ay pareho.

Isang netizen ang gumawa ng TikTok video kung saan ipinagkumpara nito ang naturang valedictory speech ng dalawa.

Saad ng uploader, “Camarines Sur Polytechnic Colleges, please do something about this.”

@mr.infody #CopyPhaseSpeech🤮 ♬ original sound – 🐰🍁Eugene Cabales🍁🐰 – 🐰🍁Mr. Infody🍁🐰

Agad namang nagpaliwanag si Jayvee at sinabing hindi naman niya intensyong kopyahin ang sinulat ni Mariyela.

Ayon sa opisyal na student-community publication ng Camarines Sur Polytechnic Colleges, naka-relate lamang daw siya nang mapanood ito at nagkataong tumugma ito sa balak niyang isulat para sa kanyang valedictory speech.

“I mean not to plagiarize. Naka-relate lang din ako nang sobra noong mapanood ko yung video kaya may mga lines o thoughts ako na nainput, na tumutugma sa ‘Lang video’,” depensa ni Jayvee sa panayam nila ng official publication ng kanilang paaralan.

Humingi naman ng tawad ang graduate ng Camarines Sur Polytechnic Colleges sa kanyang nagawa.

“Kay Ma’am Mariyela, I am really sorry. Hindi ko po intensyon na i-plagiarize yung speech niya. Nagkataon lang talaga na same topic yung gusto ko i-address (and) at the same time nagkataon rin na napanood ko ‘yung video nya.

“Kung baga driven by her impactful speech kaya nagawa kong ma ipasok yung ibang thought sa speech ko without thinking na napa-plagarize ko na pala yung speech nya,” sey ni Jayvee.

Samantala, tila may pasaring naman si Mariyela patungkol sa isyu.

“Unintentional or accidental plagiarism is still plagiarism (Bowdoin, 2022; Das, 2018; Duke University, n.d.),” saad niya sa kanyang Facebook post noong Lunes, July 11.

“My former group mates (Cesista, Mendoza, Puig, & Turla) and I did not write an undergraduate thesis on plagiarism just for my/our material to be plagiarized,” sagot naman niya sa isang comment sa kanyang post.

Nagbigay rin ng pahayag si Mariyela ukol sa isyung plagiarism nang makapanayam siya ng Balita.

“The issue has already been brought to my attention by concerned netizens.

“While one may have good intentions, one must still check if the means to actualize those intentions are also ethically acceptable. Borrowed ideas, even inspirations, should be cited or at the very least, acknowledged.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I hope that this issue serves as a reminder to everyone to review and uphold their standards.”

Other Stories:
Tourism graduate mula Baguio idinaan sa money cake ang balitang magna cum laude siya

Honor student sa Palawan gustong magpaampon: Yung kaya akong pag-aralin, gusto ko talagang makapagtapos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending