‘Godzilla x Kong: The New Empire’ puno ng aksyon, pasabog ang bakbakan
HUMANDA na moviegoers! Dahil nagbabalik ang tinatawag na “Titans” upang wasakin ang big screen!
Makalipas ang tatlong taon, muling mapapanood sa mga lokal na sinehan ang bagong movie hit na “Godzilla vs. Kong.”
Ito ang follow-up film na pinamagatang “Godzilla x Kong: The New Empire.”
Bibida ulit diyan ang British actress na si Rebecca Hall at ang American actor na si Brian Tyree Henry, pati na rin ang English actor na si Dan Stevens.
Isang panibagong adventure ang naghihintay para kay Kong at Godzilla na for sure ay punong-puno ng bakbakan at maaksyon na eksena.
Baka Bet Mo: Zachary Levi, Zooey Deschanel may kakaibang adventure sa upcoming movie
At bilang hint nga sa titulo ng pelikula, magsasanib-pwersa ang dalawang titans upang kalabanin ang isang “undiscovered threat.”
Bukod diyan, matutuklasan ng mga bida ang kasaysayan at misteryo na bumabalot sa Skull Island upang mapatumba ang kanilang kalaban.
Sa isang press release ng Warner Bros. Pictures, proud na ikinuwento ni Rebecca, ang gumaganap sa karakter ni Dr. Ilene Andrews, ang magagandang on-location scenes na ginawa sa Australian forests.
“The wildlife on it is really astonishing. I didn’t think we could get much better than that, and then we went to the Daintree Rainforest, which is one of the oldest rainforests on the planet. I’m a bit of a plant nerd. I really like plants and I do a lot of gardening in my spare time. That makes me sound a little bit tragic, but it’s in keeping with Dr. Ilene Andrews, and it’s the truth. So, when I saw some of these plants in the Daintree Rainforest, I really nerded out,” kwento niya.
Ang American filmmaker na si Adam Wingard ang nag-direk ulit ng bagong movie.
Mapapanood din sa pelikula ang Hollywood stars na sina Kaylee Hottle, Alex Ferns at Fala Chen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.