Sylvia Sanchez game na game nang magkaapo

Sylvia, Art nagdiriwang ng anniversary, game na game nang magkaapo

Pauline del Rosario |March 29,2024
facebook
share this

Sylvia, Art nagdiriwang ng anniversary, game na game nang magkaapo

Pauline del Rosario - March 29, 2024 - 11:15 AM

Sylvia, Art nagdiriwang ng anniversary, game na game nang magkaapo

PHOTO: Instagram/@sylviasanchez_a

IBINANDERA ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez ang kanyang pagmamahal para sa mister na si Art Atayde ngayong ipinagdiriwang nila ang kanilang wedding anniversary.

Sa Instagram, makikita ang ilang throwback pictures and videos nilang mag-asawa, pati ng kanilang pamilya kasama ang mga anak na sina Arjo, Ria, Gela at Xavi.

“Happy Anniversary Husband [flying kiss, red heart emojis],” caption ni Sylvia.

Kasabay niyan, nabanggit ng aktres ang pagkakaroon ng sariling pamilya ng dalawa sa mga anak niya.

At diyan niya excited na sinabi na ready na siya sa bagong journey ng kanyang buhay – ang maging lola ng kanyang magiging mga apo.

Baka Bet Mo: Sylvia Sanchez feeling lucky sa manugang: ‘Maine ‘Nak, salamat sa pag-aalaga at pagmamahal mo kay Arjo!’

“Bilis ng panahon…may mga asawa na mga anak natin, @arjoatayde (Maine) at @ria (Zanjoe) [smiling with hearts emojis],” sey ni Sylvia.

Mensahe pa niya sa mister, “On to the next chapter of our lives as grandparents. ‘Wag mo masyadong i-spoil [laughing emojis] (hoping ako).”

“Excited to enjoy our grandchildren together [dancing emojis],” wika ng batikang aktres.

Ani pa niya, “Love u so much @xaviiart [fling kiss emojis]”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sylvia Sanchez (@sylviasanchez_a)

Sa comment section, maraming celebrities ang nagpaabot ng kanilang “congratulatory” messages para kina Sylvia at Art.

Kabilang na riyan sina Richard Yap, Vina Morales, Arlene Muhlach, LA Tenorio, Eula Valdez, Christine Babao, at marami pang iba.

Magugunita na noong March 23 nang ikinasal si Ria sa aktor na si Zanjoe Marudo sa pamamagitan ng intimate wedding ceremony officiated by Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong July 28 ng nakaraang taon naman ang bonggang pagiisang-dibdib nina Arjo at Maine Mendoza na ginanap sa Alphaland Baguio Mountain Lodges na dinaluhan ng kanilang mga kaanak at malalapit na mga kaibigan.

Sa ngayon, waiting nalang ang madlang pipol sa next announcements ng dalawang couple kung magiging parents na sila ver, very soon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending