Utol ni Andi na si Gwen Guck binigyan ng despidida ni Jake

Utol ni Andi na si Gwen Guck binigyan ng despidida ni Jake Ejercito

Ervin Santiago |March 28,2024
facebook
share this

Utol ni Andi na si Gwen Guck binigyan ng despidida ni Jake Ejercito

Ervin Santiago - March 28, 2024 - 08:44 AM

Utol ni Andi na si Gwen Guck binigyan din ng despidida ni Jake Ejercito

Gwen Eigenmann, Jake Ejercito, Ellie Ejercito at ilan pa nilang kapamilya

PAGKATAPOS makipag-bonding sa kanyang kapatid na si Andi Eigenmann nakasama rin ni Gwen Guck ang dating partner ng aktres na si Jake Ejercito.

Bago tuluyang umuwi sa Amerika, nakipagkita si Gwen, ang lalaking kapatid ni Andi at isa pang anak ng namayapang aktres na si Jaclyn Jose, kay Jake at sa ilang kapamilya nito.

Pagkagaling ni Gwen sa isla ng Siargao ay pinagbigyan naman niya ang paanyaya ni Jake na bigyan siya ng despedidad bago magbalik sa US.

Doon na kasi nakatira at nag-aaral si Gwen at umuwi lamang ng Pilipinas noong March 9 para sa inurment ng cremated remains ng kanyang inang si Jaclyn na ginanap last March 10.

Baka Bet Mo: Gwen Fourniol handa nang rumampa sa Miss World: Kasama ko kayo sa laban na to

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Jake ang ilang litraro na kuha sa despedida nila para kay Gwen na ginanap sa isang restaurant.

“Goodbye and safe travels, Gwen & Kris!” ang maikling caption ng “Can’t Buy Me Love” actor sa kanyang IG Story.

Present din sa despedida si Ellie, anak ni Jake kay Andi at pamangkin ni Gwen. Nandu’n din ang tita ni Gwen na si Veronica Jones, kapatid ni Jaclyn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nakita rin namin sa isang litratong ipinost ni Jake ang kanyang kapatid na si Jerika Ejercito at ilan pa sa kanyang non-showbiz friends.

Baka Bet Mo: Jaclyn Jose gigil na gigil sa ama ng bunsong anak: Are you gonna stop or fight?

Nauna nga rito, tulad ng kuwento sa BANDERA ng Kapuso actor na si Gabby Eigenmann, talagang walang inaksayang oras ang dalawang anak ni Jaclyn sa paglilibot nila sa Siargao.

Sa kanyang Instagram account, ibinandera ni Andi ang ilang litrato nila ni Gwen habang ine-enjoy ang mga beach sa naturang isla kung saan ilang taon na ring naninirahan ang aktres kasama ang fiancé na si Philmar Alipayo at ang kanilang mga anak.

“An introduction to the island life for my (not so) little brother. It did not happen in the circumstance we had hoped for, but I’m glad to finally do this nonetheless,” ang simulang caption ni Andi sa kanyang IG post.

Dugtong pa ng anak ni Jaclyn, “Nanay never made it, but I would like to believe she lovingly watched over us from her paradise.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“After all, all I can do now is to believe. Life is uncertain. Look after your people. Hug them. Love them. Cherish them. Hold your loved ones close,” sabi pa ni Andi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending