Andi, Gwen Guck super bonding sa Siargao: ‘Nanay never made it but…’
NAKAPAG-BONDING nang bonggang-bongga ang magkapatid na Andi Eigenmann at Gwen Guck sa napakagandang isla ng Siargao.
Tulad ng kuwento sa BANDERA ng Kapuso actor na si Gabby Eigenmann, talagang walang inaksayang oras ang dalawang anak ng yumaong aktres na si Jaclyn Jose sa paglilibot nila sa Siargao.
Sa kanyang Instagram account, ibinandera ni Andi ang ilang litrato nila ni Gwen habang ine-enjoy ang mga beach sa naturang isla kung saan ilang taon na ring naninirahan ang aktres kasama ang fiancé na si Philmar Alipayo at ang kanilang mga anak.
Baka Bet Mo: Gwen Fourniol handa nang rumampa sa Miss World: Kasama ko kayo sa laban na to
“An introduction to the island life for my (not so) little brother. It did not happen in the circumstance we had hoped for, but I’m glad to finally do this nonetheless,” ang simulang caption ni Andi sa kanyang IG post.
Dugtong pa ng anak ni Jaclyn, “Nanay never made it, but I would like to believe she lovingly watched over us from her paradise.
View this post on Instagram
“After all, all I can do now is to believe. Life is uncertain. Look after your people. Hug them. Love them. Cherish them. Hold your loved ones close,” sabi pa ni Andi.
Baka Bet Mo: Jaclyn Jose gigil na gigil sa ama ng bunsong anak: Are you gonna stop or fight?
Narito naman ang ilang comments ng netizens na natutuwa sa pag-catch up ng magkapatid matapos magkalayo ng ilang taon.
“Awww this is so beautiful, ate! Surely, and we believe too, that your beloved Nanay is so happy now seeing you two together. Sending hugs to you both. Praying for all you po!”
“Keep your head high Andie. You and your brother will be okay. Your nanay, she’s smiling now kasi alam nya magkasama na kayo magkapatid. I once lost a love one and I know how it feels. You’ll be okay.”
Noong March 19, nag-post si Andi ng isang tula para sa kanyang namayapang ina, “She built me up like a mountain at sunrise and painted my sky with gentle hands.
“And when she told me I could be anything, I believed her because I saw how much I could grow with even a little of her light.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.