Andi binanatan sa pagpo-post ng litrato nila ni Jaclyn; Gabby dumepensa
DUMEPENSA ang Kapuso actor na si Gabby Eigenmann laban sa mga bumabatikos at nanghuhusga kay Andi Eigenmann sa social media.
May mga kumukuwestiyon kasi kung bakit ngayon lang daw nagpo-post si Andi ng mga litrato nila ng kanyang inang si Jaclyn Jose sa social media kung kailan patay na ang aktres.
Bakit daw hindi niya ito ginawa noong nabubuhay pa para makita at mabasa ng kanyang yumaong nanay ang mga mensahe niya.
Siyempre, to the rescue naman ang kapatid ni Andi na si Gabby na todo ang pagsuporta at pagdamay sa naulilang pamilya ng premyadong aktres.
“Bakit may time ba? May schedule ba sa pagpo-post? Ako nga, noong inurnment lang…bakit, alam ba nila ang huling usapan nila? Hindi naman nila alam, e,” ang pagtatanggol ng aktor sa kanyang kapatid.
Baka Bet Mo: Andi kay Jaclyn: Ganu’n kalaki yung puso niya…sobra, sobra, sobra!
“At the end of the day, kung anuman ang relationship niya with her mom, kung anuman ang ipinost niya, sabihin niyo man na late or ngayon niya lang ipinost, you don’t know what’s behind the person’s posting it.
“Kung ano ang nababasa niyo, ‘wag niyong titingnan sa gano’n. Buti nga nakikita niyo. But don’t judge it, let’s be kind,” ang mariing pahayag ng Kapuso actor at isa sa mga cast members ng latest primetime series ng GMA na “My Guardian Alien.”
View this post on Instagram
Kinumusta rin ng press kay Gabby si Andi sa naganap na grand mediacon ng naturang serye, “Okay naman. Like ngayon, back to work, back to reality. Unti-unti moving on and totoo naman, life goes on.
Baka Bet Mo: Andi Eigenmann umaming naloloka rin sa pag-aalaga ng 3 anak: Sinasabi ko na lang, ‘Ginusto mo yan, eh!’
“When you’re at home, when you’re alone, may mga moment na ‘nami-miss ko.’ Hindi naman mawawala ‘yon.
“And kahit naman ako, up to this day, nami-miss ko Daddy ko (Mark Gil), nami-miss ko si Tita Cherie (Gil). ‘Yung mga mahal mo sa buhay na nawala na, naiisip at naiisip mo,” sabi pa ni Gabby.
Kung may isang life lessons daw na natutunan ang seasoned actor sa biglang pagkamatay ni Jaclyn yan ay, “Life is short.
“Start taking care of ourselves. Start connecting with people. Forgiving. Start healing.
“Minsan nakakatulong yon, kahit may kagalit ka, katampuhan ka, you never wish ill naman sa tao. Pray for it, start healing and to forgive. Minsan, nakakaragdag pa ng buhay ‘yon,” pagbabahagi pa ni Gabby Eigenmann.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.