Catriona Gray, Sam Milby nagkaayos na kaya tuloy ang kasal

Catriona Gray, Sam Milby nagkaayos na kaya tuloy ang kasal, sey ng manager

Reggee Bonoan |March 22,2024
facebook
share this

Catriona Gray, Sam Milby nagkaayos na kaya tuloy ang kasal, sey ng manager

Reggee Bonoan - March 22, 2024 - 04:27 PM

Catriona Gray, Sam Milby nagkaayos na kaya tuloy ang kasal, sey ng manager

PHOTO: Instagram/@catriona_gray

SILA pa rin nina Catriona Gray at Sam Milby.

‘Yan ang naging sagot sa amin ng manager ng celebrity couple na si Erickson Raymundo, Presidente at CEO ng Cornerstone Entertainment.

Sey pa niya, “Hindi naman naghiwalay. Nagkaro’n lang ng isyu kasi na-move ang date ng kasal.”

Naka-chikahan namin si Erickson sa Bona Slim launching ni Moira dela Torre bilang unang endorser na pag-aari ng pamilya Cerezo headed by Edgardo Cerezo, chairman and founder.

“Actually, tampuhan lang ‘yan kasi nga inurong ‘yung date ng kasal, e, siyempre naka-set na, so nagkaroon ng debate, tampuhan,” sambit pa niya.

Baka Bet Mo: Catriona Gray naka-focus sa kalusugan, may struggle sa scoliosis

Paliwanag ni Erickson, “Hindi kami dapat maglalabas ng official statement, e, ang dami-daming lumabas na dahil sa report ni Ogie Diaz kaya naglabas na kami para matapos na, matigil na, isahang statement na lang para hindi na humaba pa.”

Sa pagkakaalam namin, sa buwan ng Mayo ang kasal nina Sam at Catrional na gaganapin sa Australia, pero may mga pagbabago na dahil nga sa schedules ng dalawa.

Ngunit ngayong okay na sila at hindi naman kami sinagot ng manager nila kung kailan na ang final date.

“Hindi ko alam may mga inaayos, bahala na silang dalawa mag-announce, basta okay sila.  Tinanong nga ako ni Ogie tungkol diyan, e, that time hindi ko alam kaya nu’ng kinausap ko yung dalawa (Sam-Cat) sabi nga nila may inaayos, kaya ‘di ba sa statement namin may inaayos, hindi sila hiwalay, hindi naman nagsolian ng singsing,” katwiran pa ni Erickson.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, may mga nakakita kina Sam at Catriona na panay daw ang halikan nang kasama nila ang mag-asawang John Prats at Isabel Oli-Prats. Bestfriends kasi sina Samuel, Lloyd at Praty.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending