Anne type maka-collab sina Bea, Jennylyn, DongYan ngayong Kapuso na uli
NAGHAHANDA na ng mga bonggang pasabog ang buong production ng “It’s Showtime” para sa kanilang official launch sa GMA 7.
Mapapanood na ang noontime show ng ABS-CBN sa Kapuso Network simula sa April 16 sa pangunguna pa rin nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Amy Perez, Jhong Hilario at Kim Chiu.
Ayon kay Anne, ngayon pa lang ay super excited na sila sa mga bonggang mangyayari sa April 16 kaya sana raw ay abangan ito ng mga Kapuso viewers all over the universe.
Kahapon, full force ang mga hosts ng “It’s Showtime” kasama ang mga bossing ng ABS-CBN para sa kanilang makasaysayang contract signing sa GMA Network.
Baka Bet Mo: Nadine Lustre mas hinangaan ng madlang pipol matapos ang pa-‘soft launch’ nina James at Issa
“This moment is a new chapter. So for us, we’ll be able to bring something new to the table in this new chapter all the time. Maaasahan ng Madlang Kapuso ‘yan,” pahayag ni Anne sa panayam ng GMA.
View this post on Instagram
Natanong din ang aktres at TV host kung sinu-sino sa mga Kapuso stars ang nais niyang makatrabaho in the future para sa mga susunod na collaboration ng Kapuso at Kapamilya Network.
“Marian Rivera and Dingdong Dantes, of course, Heart (Evangelista), Bea (Alonzo). I’m excited to be reunited with Bea.
“Gabbi (Garcia), although I’ve worked with Gabbi already (endorsement nila) but yeah, I’m excited to work with (her again). Jennylyn (Mercado), yeah!” aniya pa.
Baka Bet Mo: Hirit ni Ogie kay Willie: Parang hindi siya marunong tumanggap ng negativity o constructive criticism
Bukod kauy Anne, present din sa kanilang contract signing sa GMA sina Vice, Vhong, Jhong, Kim, Karylle, Amy Perez, Ogie Alcasid, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Darren Espanto, Ion Perez, MC, Lassy, Jackie Gonzaga, at Cianne Dominguez.
Naroon din siyempre ang GMA Network executives na sina Chairman Atty. Felipe L. Gozon President and CEO Gilberto R. Duavit Jr., at ABS-CBN president and CEO Carlo L. Katigbak.
Sa speech ni Vice sinabi niyang napakalaki ng magiging impact ng collab na ito sa mundo ng telebisyon.
“This is a transformative event, a transformative moment, hindi ito agad nangyari pero ngayong nangyayari na ito, this moment has a very strong, massive, transformative purpose,” sey ni Vice Ganda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.