Promise ni Rayver: Si Julie Anne lang mamahalin ko habangbuhay

Promise ni Rayver: Si Julie Anne lang ang mamahalin ko habangbuhay!

Ervin Santiago |March 19,2024
facebook
share this

Promise ni Rayver: Si Julie Anne lang ang mamahalin ko habangbuhay!

Ervin Santiago - March 19, 2024 - 06:40 AM

Promise ni Rayver: Si Julie Anne lang ang mamahalin ko habangbuhay!

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz

MATAPOS bumanat si Julie Anne San Jose at mag-sorry si Rayver Cruz, tila namatay din agad ang kontrobersya na nag-ugat sa kanilang live streaming kamakailan.

Mukhang wala na ring balak magsampa ng kasong cyberlibel si Rayver laban sa mga netizen na tumawag sa kanya ng “sabog” at “nakadroga” dahil sa naging “hyper behavior” niya habang nagla-live stream sila ni Julie Anne.

Sa katunayan, makalipas ang isa o dalawang araw mula nang pumutok ang isyu kay Rayver ay muling pinakilig ng binata ang fans nila ni Julie Anne sa pamamagitan ng social media.

Parang hindi naman masyadong naapektuhan ang Kapuso actor at TV host sa ginawang paninita sa kanya ng mga netizen sa kanilang livestream dahil nga sa kanyang kakulitan at pagiging hyper.

Baka Bet Mo: Alodia sa pagiging game streamer: May 2 reasons siguro kung bakit ka pinanonood

Ito’y sa kabila nga ng natanggap na mga komento mula sa mga nakapanood ng video nila ni Julie Anne na kuha sa kanilang live stream. Ang feeling ng mga bashers “sabog” o “bangag” daw ang binata.

“May pa drug test ba kayo@gmanetwork at @AllOutSundays7 bago mag prod or pumasok ang artists niyo? Mukhang nakalusot e. Ang lala ni rayver cruz, lasing ba siya or naka marijuana? Tamang laughtrip at kita na sabog e,” ang matapang na post ng isang netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Inalmahan ito Julie Anne at sinabihan ang mga netizens na tigilan na ang pagdya-judge sa kanyang boyfriend. Nag-post siya sa comment section ng naturang post sa X (dating Twitter).

“Minsan lang po ako sumagot sa mga ganto but sobra ka na po. Below the belt and harsh na po itong accusations, please stop,” banat ni Julie Anne.

Nakatulong din siguro ang agad na pagso-sorry ni Rayver sa publiko para mamatay agad ang isyu at hindi na lumala pa.

Sey ng Kapuso star, “Sa mga na offend sa kilos ko kanina sa live stream namin, sorry. But I was just being myself. Playful and happy talaga ako. Lalo na when I’m with my love.

Baka Bet Mo: Rayver nag-sorry, pero nanindigan: Hindi ko kayang saktan si Julie Anne!

“She knows that, she knows me. I don’t usually speak up pero ibang usapan na ang accusations. Una, hinding hindi ko kayang saktan si Julie.

“My mom raised me right. Hinawakan ko yung bohok nya na lagi kong ginagawa sa mga iba pa namin videos pag magkasama kami pero kung iba po ang dating sa ibang tao wala na po ako magagawa don,” aniya pa.

Dugtong ng aktor, “I respect Julie sobra sobra and sobra ko syang mahal pati ang family nya. Pangalawa, may respeto ako sa trabaho ko at sa mga katrabaho ko. Hinding hindi ako gagawa ng makakasira dun. At sana, matuto na rin tayo rumespeto sa iba at maging malawak ang pag-iisip. Salamat po and goodnight!”

Kasunod nga nito, muling nag-post si Rayver ng litrato nila ni Julie Anne na may pamatay na caption na, “Si @MyJaps lang ang mamahalin ko habang buhay hehe (red heart emoji).  l
Let’s go team sun!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sumagot naman agad si Julie Anne ng “Forever” at “ILY” o “I Love You.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending