Rayver nag-sorry, pero nanindigan: Hindi sasaktan si Julie Anne!

Rayver nag-sorry, pero nanindigan: Hindi ko kayang saktan si Julie Anne!

Ervin Santiago |March 17,2024
facebook
share this

Rayver nag-sorry, pero nanindigan: Hindi ko kayang saktan si Julie Anne!

Ervin Santiago - March 17, 2024 - 07:32 AM

Rayver nag-sorry, pero nanindigan: Hindi ko kayang saktan si Julie Anne!

Rayver Cruz

MATINDI ang paratang ng ilang netizens laban sa Kapuso actor at TV host na si Rayver Cruz nang sumalang ito sa isang live stream.

Kalat na kalat na ngayon sa social media ang isang video na kuha sa naturang live stream kung saan nakasama ni Rayver ang girlfriend niyang si Julie Anne San Jose.

Isang X (dating Twitter) user ang nag-post ng ilang video clips kung saan mapapanood nga sina Rayver at Julie Anne na nagkukulitan. Pero marami nga ang na-offend at hindi natuwa sa ipinakitang kilos ng Kapuso actor.

Baka Bet Mo: Love life hugot ni Julie Anne San Jose: Okay lang naman maghintay, basta alam mong worth it ang paghihintay

May mga nagalit nang tila binatukan pa raw ng binata si Julie Anne sa isang bahagi ng live stream. Kimuwestiyon din nila ang parang hindi normal na pagsagot ni Rayver sa mga tanong sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Isa na nga riyan ang naging paraan niya ng pagsagot nang matanong kung ano ang ginagawa nilang preparation ni Julie kapag sasalang na sila sa stage para mag-perform.

“Yung paghahanda namin nag-ano kami parang sa rehearsal room, naghawak-hawak kami ng mga kamay, and then pumikit kami, and then dinaramdam lang namin ang isa’t isa, and then ‘Yeah let’s do this brad,'” sey ng aktor sabay tawa nang malakas.

Ang inilagay namang caption ng nag-upload ng video, “May pa drug test ba kayo @gmanetwork at @AllOutSundays7 bago mag prod or pumasok ang artists niyo? Mukhang nakalusot e.

Baka Bet Mo: AJ Raval, Angeli Khang patuloy ang labanan bilang reyna ng Vivamax; Vincent del Rosario nagpaliwanag sa ‘sex’ content

“Ang lala ni rayver cruz, lasing ba siya or naka marijuana? Tamang laughtrip at kita na sabog e,” sabi pa nito.

Kasunod nga nito ang mga nakakaloka at malilisyosong reaksyon ng mga X users. Pero in fairness, may mga nagtanggol at kumampi din naman kay Rayver.

At habang inaakusahan ng kung anu-anong masasakit na salita ang kanyang boyfriend, nagsalita nga si Julie Anne at binengga ang netizen na nag-post ng kanilang video.

“Minsan lang po ako sumagot sa mga ganto but sobra ka na po. Below the belt and harsh na po itong accusations, please stop (folded hands emoji),” sabi ng Kapuso actress-singer at TV host.

Pagkatapos siyang ipagtanggol ni Julie Anne, nag-post na rin sa kanyang X account para linawin ang isyu kasabay ng paghingi ng sorry sa lahat ng na-offend sa kanyang naging behavior sa live stream.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sa mga na offend sa kilos ko kanina sa live stream namin, sorry. But I was just being myself.

“Playful and happy talaga ako. Lalo na when I’m with my love. She knows that, she knows me.

“I don’t usually speak up pero ibang usapan na ang accusations. Una, hinding hindi ko kayang saktan si Julie. My mom raised me right.”

“Hinawakan ko yung bohok nya na lagi kong ginagawa sa mga iba pa namin videos pag magkasama kami pero kung iba po ang dating sa ibang tao wala na po ako magagawa don (folded hands emoji).

“I respect Julie sobra sobra and sobra ko syang mahal pati ang family nya.

“Pangalawa, may respeto ako sa trabaho ko at sa mga katrabaho ko. Hinding hindi ako gagawa ng makakasira dun.

“At sana, matuto na rin tayo rumespeto sa iba at maging malawak ang pag-iisip. Salamat po and goodnight! (heart emojis),” ang buong pahayag ni Rayver Cruz.

Kilala namin nang personal si Rayver at isa kami sa magpapatunay na hindi siya bastos at maangas na tao. Saksi rin kami kung gaano siya ka-gentleman lalo na sa mga babaeng nakakasama at nakakasalamuha niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naniniwala rin kami na wala siyang bisyo tulad ng akusasyon ng ilang netizens. Ganu’n lang kasi talaga siyang kumilos at magsalita kapag super happy siya at kapag super nag-eenjoy sa ginagawa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending