Payo ng DonBelle sa mga baguhang talent ng Star Magic: Love what you do!
NAG-SHARE ng ilang tips sina Belle Mariano at Donny Pangilinan sa mga kapwa nila Star Magic artists na nagsisimula pa lang sa entertainment industry.
Agaw-eksena ang DonBelle loveteam sa ginanap na Star Magical Prom 2024 nitong nagdaang Thursday, March 14, kung saan rumampa sila suot ang kanilang modern “Beauty and The Beast”-inspired OOTD.
“Enchanting” ang aura ni Belle with her shining yellow gown habang guwapong-guwapo naman si Donny sa kanyang bluish long coat.
Baka Bet Mo: #CoupleGoals: DonBelle ‘King and Queen’ ng Star Magical Prom; FranSeth, Andrea-Ricci humakot ng awards
Sa isang panayam sa lead stars ng “Can’t Buy Me Love”, nagbigay nga sila ng ilang practical advice sa mga bagong kapamilya nila sa ABS-CBN na um-attend sa Star Magical Prom.
View this post on Instagram
Ayon kay Donny, napakahalaga na i-enjoy lang ang moment sa taunang Prom Night at kalimutan muna sandali ang trabaho at ang kanilang mga busy schedule.
“First of all enjoy the night. It’s so rare to have an opportunity na magkasama lahat ng tao. Lahat ng Gen Z.
“Usually kapag nagwo-work ka taping, hindi mo na nahahanap yung time para mag-relax and take a breather so this is the perfect time. Remain committed to your craft and love what you do,” ang payo ng aktor.
Ikinumpara naman ni Belle sa isang bumubukang bulaklak ang naganap na Star Magic Prom, na sumisimbolo raw sa kanilang “adulting journey” sa mundo ng showbiz at sa kanilang personal life.
Baka Bet Mo: Princess Pacquiao ‘feeling prinsesa’ sa suot na prom gown, bracelet nagkakahalagang P1.8M?
“Prom symbolizes like put it in a metaphor, I think its a flower blossoming, its kind of like adulting. The flower will bloom into something better.
View this post on Instagram
“Don’t be afraid to learn more and grow more strive to become the best version of yourself,” marking sabi ni Belle.
Muli, nagpasalamat ang DonBelle tandem sa milyun-milyon nilang fans at sa lahat ng sumusubaybay hanggang ngayon sa “Can’t Buy Me Love” na malapit nang magtapos.
Binati rin nila ang kanilang mga co-stars sa serye na sina Anthony Jennings at Maris Racal na kilala na rin ngayon bilang “SnoRene” ang pinagsamang pangalan ng mga karakter nila sa “Can’t Buy Me Love.”
In fairness, talagang lumebel din sila sa kasikatan at pagpapakilig ng DonBelle sa mga manonood.
“I think it’s all team effort, everyone in the show contributes to it what it is. It won’t be Can’t Buy Me Love kung wala yung isa,” sey ni Donny sa tinatamasang tagumpay ng kanilang teleserye.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.