Anne, Janno, Gardo, ilan pang celebs ‘gigil mode’ sa Chocolate Hills resort
GIGIL na gigil din kahit ang ilang celebrities matapos mag-viral sa social media ang isang resort na ipinatayo sa gitna ng Chocolate Hills, ang isa sa pinakasikat na tourist attraction sa ating bansa.
Narito ang ilan sa mga ibinanderang reaksyon ng ilang kilalang celebrities at bigating mga personalidad:
Anne Curtis
Sa pamamagitan ng X (dating Twitter) account, inihayag ng TV host-actress na si Anne Curtis ang kanyang panghihinayang.
Nag-reply siya sa isang netizen na sinasabing posibleng masira ang “hill formation” ng lugar dahil sa resort.
“Is this true kaya? Sad naman if they are allowing this so close to the beautiful natural wonders of our country [crying emoji],” wika ni Anne.
Baka Bet Mo: Kiko nagsampa ng cyberlibel laban sa vlogger, YouTube, Google
Is this true kaya? Sad naman if they are allowing this so close to the beautiful natural wonders of our country 😭 https://t.co/ITucIPrXll
— Anne Curtis-Smith (@annecurtissmith) March 13, 2024
Janno Gibbs
Ramdam na ramdam naman ang galit ng comedian-actor na si Janno Gibbs sa viral na balita kung saan ibinandera niya sa Instagram ang litrato ng nasabing resort.
Caption pa niya, “At binabuy na ang Chocolate Hills,” kalakip ang isang angry face emoji.
View this post on Instagram
Gardo Versoza
Dismayado rin ang batikang aktor na si Gardo Versoza at tila kinukwestyon kung ano ang nangyari sa Chocolate Hills.
“Talaga lang?? [emoji],” lahad niya sa Instagram post.
View this post on Instagram
Pauline Amelinckx
Nagbigay rin ng saloobin ang Boholano beauty queen na si Pauline Amelinckx patungkol sa viral news.
“The Chocolate Hills are part of every Bol-anon. It’s part of the land we call home, part of the soul of our island,” wika niya sa kanyang Facebook page.
Dagdag niya, “Now more than ever, we face the challenge of balancing progress with the protection and preservation of our natural landmarks. We all must play a part, big or small, to regenerate our earth, so it may regenerate us too.”
Ani pa niya, “May we never forget about the beautiful land given by God. ‘Hatag ni Bathala.’”
RR Enriquez
Para naman sa dating dancer at ngayon ay internet personality na si RR Enriquez, walang mali sa ipinatayong resort sa gitna ng Chocolate Hills, lalo na kung makakatulong daw ito sa turismo ng ating bansa.
“I remember going to Switzerland year 2016 and meron sa taas ng bundok na famous parang hotel with jacuzzi resort sila dun…Even sa Mt. Titlis they have a restaurant…Talagang pinupuntahan ng mga tao…Tourist attraction talaga sya,” kwento niya.
Saad pa niya, “To be honest ok sana ‘yung idea na ito.. Kaso bakit po hindi man lang ginandahan? Hindi man lang instagramable? Paano po tayo makaka-attract kung wala pong nakaka-attract CHERET [winking face with tongue emoji].”
Aya Fernendez
Salungat sa pahayag ni RR, iginiit naman ng TV host-beauty queen na si Aya Fernandez na ang Bohol Island ay ang kauna-unahang Unesco Global Geopark ng bansa.
Ang panawagan niya, dapat tiniyak ng gobyerno ang proteksyon at “conservation” ng lugar.
“The Chocolate Hills was declared the country’s first geopark by the Unesco. Regardless when the resort was built, may our leaders and everyone uphold political will to conserve and preserve our natural heritage. Regardless of the details. No matter what it takes,” tweet niya.
The Chocolate Hills was declared the country’s first geopark by the Unesco. Regardless when the resort was built, may our leaders and everyone uphold political will to conserve and preserve our natural heritage. Regardless of the details. No matter what it takes.
— Aya Fernandez (@ayafernandez_) March 13, 2024
Chel Diokno
Hindi naman makapaniwala si Atty. Chel Diokno na nabigyan ng clearance ang may-ari ng resort upang makapagpatayo ito sa gitna ng Chocolate Hills.
“Paano to nabigyan ng clearance at bakit pinayagang magpatuloy? Sana aksyunan ng DENR ang panawagan ng mga kababayan nating Boholanos na protektahan ang Chocolate Hills, na isa sa mga tanyag na tourist spot sa bansa at kilala bilang kauna-unahang UNESCO global geopark sa Pilipinas,” wika niya sa post.
Paano to nabigyan ng clearance at bakit pinayagang magpatuloy? Sana aksyunan ng DENR ang panawagan ng mga kababayan nating Boholanos na protektahan ang Chocolate Hills, na isa sa mga tanyag na tourist spot sa bansa at kilala bilang kauna-unahang UNESCO global geopark sa Pilipinas https://t.co/cd7D1oCsnM
— Chel Diokno (@ChelDiokno) March 13, 2024
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.