Resort sa Chocolate Hills inireklamo ng netizens, DENR kinalampag
USAP-USAPAN ngayon ang viral resort sa Chocolate Hills na mabilis na nag-trending at nag-viral dahil sa galit ng madlang pipol.
Isang netizen na nagngangalang “Ren The Adventurer” ang nag-upload ng promotional video ng naturang resort sa Facebook.
“Resort Sa Gitna Nang Chocolate Hills [wow and heart emoji]
“Feat. captain’s peak Sagbayan bohol [Philippine flag emoji],” caption nito sa post.
Agad namang umani ng samu’t saring komento mula sa netizens ang naturang post ukol sa resort sa Chocolate Hills.
Baka Bet Mo: 200 estudyante nangisay, nahimatay sa Bohol, sinapian ng masamang espiritu?
Ayon pa sa video ay nagkakahalagang P100 ang entrance ng adults sa resort sa Chocolate Hills. Samantalang P75 naman para sa mga bata at P300 naman kung rerenta ng cottage.
Marami ang nagalit dahil sa umano’y “paglapastagan” at hindi pagpapahalaga ng iba sa mga napakagandang tourist spot na matatagpuan sa Bohol.
“Gumawa ng resort sa Chocolate Hills, ang pangit naman,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “may bobong nagpatayo ng resort sa gitna ng chocolate hills. hindi ba protected landscape ito? ang tanga tanga lang.”
“Chocolate Hills is a National Geological Monument and being proposed to be a UNESCO World Heritage site. Who gave the permission to build a resort there?” sey naman ng isa.
Marami rin ang nangalampag sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) pati na rin sa lokal na pamahalaan ng Bohol, kung may permit daw ba ang pagpapatayo nito sa paanan ng burol.
“SINCE WHEN DID THE DENR PERMIT A LITERAL RESORT IN THE MIDDLE OF THE CHOCOLATE HILLS,” sabi ng isang netizen.
Tanong naman ng isa, “@DENROfficial and LGU Bohol why is there a resort built in the middle of the #ChocolateHills ? This area should be protected at all cost since the Chocolate Hills is one of the Philippines’ Natural Treasures. Please take action!”
Meron naman nagsasabing ang naturang resort ay malayo sa Chocolate Hills sa Carmen at ito ay matatagpuan sa Sagbayan.
May dumipensa rin sa resort na kalat ang burol sa Bohol at itinayo raw ito sa isang private property.
Noong September 2023 ay nauna nang kwestiyunin ni Bohol Provincial board member Jamie Aumenado Villamor ang DENR ukol sa konstruksyon ng isa sa mga pinagmamalaking tourist attraction sa bansa.
“The DENR-PAMB, in consultation with stakeholders, must address the ambiguity of the rules and guidelines in the development and management of our protected areas to ensure long-term protection and conservation,” sey ni Villamore sa isang panayam.
Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag ang DENR pati na tin ang may-ari ng naturang resort ukol sa isyu.
Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw ng mga kampong sangkot sa isyung ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.