Janno emosyonal sa ika-40 days ni Ronaldo Valdez: ‘It is even tougher…’
SA ika-40 days mula nang pumanaw ang veteran actor na si Ronaldo Valdez, inalala ng comedian-actor na si Janno Gibbs ang mga huling sandali na nagkasama sila ng ama sa paggawa ng pelikula.
Ito ‘yung upcoming film na pinagbibidahan nilang dalawa at directorial debut ni Janno na “Itutumba Ka ng Tatay Ko.”
Sa Instagram, ibinandera ng komedyante ang picture ng isang eksena ng pelikula na makikitang hinawakan ni Ronaldo ang braso ni Janno na tila pinipigilan siya.
“Shooting this emotional scene [with] my Tatay was hard enough. Watching it now is even tougher,” caption ng comedian-actor sa post.
Aniya pa, “Your presence in the film is undeniable. Today is the 40th day of his passing.”
Baka Bet Mo: Janno Gibbs umaming ‘almost 1 year’ nang hiwalay ang mga magulang
View this post on Instagram
Sa comment section, maraming kapwa-artista ang nagpaabot ng dasal at pagmamahal para kay Janno at sa namayapang iconic actor.
Kabilang na riyan sina Vhong Navarro, Vina Morales, Jhong Hilario at Aga Muhlach.
Kung maaalala, naging usap-usapan ang upcoming film ng mag-ama kasabay ng balitang pumanaw na si Ronaldo.
Marami kasi ang umaasa na sa kabila ng nangyari ay matutuloy pa rin ang inaabangang pelikula ng dalawa
Sa mga naunang interview, naniniwala si Janno na “perfect timing” ang pag-release ng comedy film nila ng namayapang ama.
“Is it too soon to release the movie after what happened? I believe this is the perfect time to do so. Because—sorry, I don’t want to cry—the last image people saw of my father wasn’t nice,” sey niya.
Dagdag pa niya, “So, hopefully, this [movie] erases that and allows people to see him again in all his glory.”
Ang “Itutumba Ka ng Tatay Ko” ay ipapaplabas na sa darating na January 30 sa mga lokal na sinehan.
Magugunita noong December 17 nang matagpuang patay si Ronaldo sa kanyang kwarto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.