Kiko nagsampa ng cyberlibel laban sa vlogger, YouTube, Google
NAGSAMPA ng cyberlibel ang dating senador na si Kiko Pangilinan laban sa isang vlogger pati na rin sa mga opisyales ng YouTube at Google Philippines.
Nitong Lunes, March 11, pumunta ang asawa ni Megastar Sharon Cuneta sa Department og Justice (DOJ) upang maghain ng reklamo laban sa may-ari ng “Bungangera TV” YouTube channel, dahil sa mga inilalabas nitong content kung saan sinabi nitong sinasaktan niya raw ang asawa pati ang stepdaughter na si KC Concepcion.
Maging ang ilang opisyal ng YouTube at Google Philippines ay damay dahil sa pagpayag nilang lumabas sa kanilang platform ang malicious content ng vlogger laban kay Sen. Kiko sa kabila ng mga ipinadala niyang reklamo ukol sa naturang vlogger.
“Sobra itong paninirang ginagawa nila. Milyon ang nakapanood ng kasinungalingan.
Baka Bet Mo: Sharon inaming stupid ang pag-post ng putol na ulo ni Kiko: Nag-away kami
View this post on Instagram
Base naman sa isinumeteng reklamo ni Atty. Kiko ay nakaapekto raw sa kanyang pamilya ang mga malicious imputations na ibinabato sa kanya ng naturang vlogger.
“Nireklamo natin ito sa Youtube for violating community standards pero hanggang ngayon nariyan pa rin, hindi nila inaaksiyunan,” saad ni Kiko.
Kaya naman isinama na niya ang YouTube at Google sa kanyang complaint dahil sa diumano’y hindi pag-aksyon nito sa kabila ng pagpapadala niya ng maraming reklamo sa video na December 2023 pa na-upload.
“Since December nire-report na natin, so December noon March na ngayon, hanggang ngayon naka-upload pa rin, walang aksyon e. Parang, ang tingin ko rito arrogance na rin eh, masyado silang arogante, hinahayaan nila iyong ganitong klase ng pagwawasak ng pagkatao,” lahad pa ni Sen. Kiko.
Bukod pa rito, tinawag rin niya ang pansin ng mga digital advertising ng mga kumpanyang mapapanood sa malisyosong video.
“Me mga social media, digital ads, advertising, mga kumpanya ito, pinag-aaralan namin ngayon, pakiusap natin sa mga kumpanyang ito ay busisiin ninyo ng husto kung saan napupunta yung mga digital advertising ninyo, kung ito ay napupunta sa mga channel na nagkakalat ng libel, pe-pwede silang maging liable for moral damages,” dagdag pa ni Sen. Kiko.
Naglabas naman ng pahayag ang YouTube hinggil sa kanilang policies ukol sa mga tinatanggap nitong content.
“YouTube, which is operated by Google LLC based in the US, has clear policies that outline what content is not acceptable to post. The company quickly takes action against the videos and creators violating these policies when flagged.
“In addition to flagging content for review, people can submit complaints against content they believe violates their rights, including defamation, by filing legal complaints through the online legal removals webform. YouTube takes local legal considerations into account when evaluating these requests and may restrict access to a video after a thorough review,” saad ng YouTube.
Sa ngayon ay wala na ang naturang malisyosong video na inirereklamo ni Sen. Kiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.