Piolo kay Ogie: Bakit 'di ka tumitigil magbalita ng nagbe-break?

Piolo kay Ogie: Bakit hindi ka tumitigil magbalita ng mga nagbe-break?

Reggee Bonoan |March 12,2024
facebook
share this

Piolo kay Ogie: Bakit hindi ka tumitigil magbalita ng mga nagbe-break?

Reggee Bonoan - March 12, 2024 - 09:04 AM

Piolo kay Ogie: Bakit hindi ka tumitigil magbalita ng mga nagbe-break?

Piolo Pascual at Ogie Diaz

“MAY karelasyon ba ngayon si Papa P (Piolo Pascual) para mahanapan ko ng solusyon kung paano kayo maghihiwalay?”

Yan ang birong sabi ni Ogie Diaz sa kumpare niyang si Piolo sa kanyang panayam para sa “Ogie Diaz Inspires” na mapapanood sa YouTube.

Natawa naman anng todo ang aktor sa narinig. “E, kasi sa akin lagi kinakabit kapag naghiwalay,” katwiran ng content creator, host at talent manager.

“Ikaw makakaalam for sure para maiba naman,” sagot ni Piolo.

Baka Bet Mo: Kyle napalaban kay Piolo sa matinding aksyon sa ‘The Ride’: ‘Siyempre na-pressure ako…Papa P na ‘yon, sobra!’

Kinumusta ni Ogie si Papa P dahil masyado raw itong busy ngayon at nabanggit ng aktor na sa panahon ng pandemic ay nakulong ang lahat at nasa bahay lang kaya nasabik siyang mag-trabaho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Piolo Jose Pascual (@piolo_pascual)


Kaya naman nu’ng may mga offer ay pinagtatanggap niya lahat kaya nagkasunud-sunod sa taong 2022-2023 hanggang ngayong 2024.

Hindi lang sa trabaho busy ang aktor kundi pati na rin sa mga advocacy niya, sabi nga niya masarap gumising kapag may nilu-look forward bukod pa sa purpose niya sa buhay kaya hindi siya tumitigil.

Baka Bet Mo: Chito tinawag na blessing si ‘Ate P’: I just want her to be ours, she’s such a good ate kina Miggy at Cash

“I feel motivated to workout dahil may nilu-look forward akong shoot at character kaya nagpe-prepare ako and I feel more productive in a sense fulfilled dahil alam kong may maganda akong ginagawa sa buhay ko,” sabi ng aktor.

Sabay tanong kay Ogie ni Piolo na natatawa, “Ikaw kumpare bakit hindi ka tumitigil magbalita ng mga nagbe-break?”

Hirit ni Ogie, “Buti hindi pa nga kayo ni Shaina (Magdayao).” Lalong natawa si Piolo sa narinig, “Kundi may ibabalita (ka na naman).”

“Kung kayo ni Shaina talagang aabangan ko ‘yun,” biro ulit ni Ogie.

“Ha-hahahaha! Ako magsasabi sa ‘yo,” tumatawa namang sagot ni Piolo.

Magkasama pa naman sina Piolo at Shaina sa Baguio City ng ilang linggo para sa shooting ng “Pamilya Sagrado” handog ng Dreamscape Entertainment.

Sana sa pagkakataong ito ay magkatuluyan na ang dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Piolo Jose Pascual (@piolo_pascual)


“So, mas madalas kayong magkita, mayroon bang mare-rekindle?” tanong ni Ogie.

“Ha? Ha-hahahaha! Nabingi, eh. Let’s cross the bridge (when we get there) but I don’t wanna get ahead of myself, I’m more for the work,” diin ni Piolo.

Gusto niyang tapusin nang maayos ang “Pamilya Sagrado” dahil ito raw ang huling proyektong nabuo ng namayapang head ng Dreamscape Entertainment na si Deo T. Endrinal.

“We wanna continue his legacy, so, we gonna give our best. So, I’ll put aside the personal stuff first whatever it is. Okay naman kami ni Shaina, we’re good,” esplika ng aktor.

Hirit ni Ogie, “At ayaw mo ipaalam kung magiging kayo o (hindi).”

“Oo, eh, sa tanda nating ‘to,” sambit ng aktor.

Gustong maging pribado ni Piolo pagdating sa personal niyang buhay?

“Hindi naman, what you see is what you get. I’m not trying to hide anything or do something na itago ko sa public, wala naman (kasi) mas marami akong oras sa trabaho. If it’s there, it’s happening people are gonna see it,” ani Piolo.

Sa tanong kung bakit hindi pa nagse-settle down si Papa P?

“Ang dami pang labada, eh. Masarap ‘yung tinatahak nating path ngayon, maganda ‘yung demand ngayon for content. Nag-iba ‘yung landscape ng entertainment cinema, TV. Sabi ko hindi na ako magsisine (manood ng sine). I’m a sucker for good stories, I love what I do,” pahayag pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Twenty-five years old na ang nag-iisang anak ni Piolo na si Inigo Pascual at bukas naman ang isipan ng aktor na puwedeng dagdagan pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending