Aktor naging pulubi, kumikita ng mahigit P500k kada buwan

Aktor sa China naging pulubi, kumikita ngayon ng mahigit P500k kada buwan

Ervin Santiago |March 11,2024
facebook
share this

Aktor sa China naging pulubi, kumikita ngayon ng mahigit P500k kada buwan

Ervin Santiago - March 11, 2024 - 07:54 AM

Aktor sa China naging pulubi, kumikita ngayon ng mahigit P500k kada buwan

Lu Jingang

ISANG pulubi sa Henan Province sa China ang napabalitang kumikita ng mahigit P500,000 sa loob ng isang buwan. Bongga, di ba?

Yan ay si Lu Jingang, isang aktor sa China ngunit mas piniling maging pulubi dahil bukod sa nagagawa niyang ipakita ang talento sa pag-arte ay kumikita rin siya nang malaki.

Tumigil na sa pag-aartista si Lu Jingang at sa ngayon ay 12 taon na siyang namamalimos sa Qinming Shanghe Garden, na kilala bilang isang tourist attraction sa Henan Province.

Baka Bet Mo: ‘Pulubi’ buking, nakabili ng sasakyan na nagkakahalaga ng P1.5-M

Ayon sa ulat ng Odditycentral, araw-araw niyang ginagampanan ang kanyang dream role sa Qinming Shanghe Garden, kung saan nanghihingi nga siya ng limos sa mga dumadayong turista roon.

In fairness, bukod sa bonggang aktingan todo rin ang kanyang pa-costume at make-up upang mas maging kapani-paniwala ang kanyang pulubi role. Sira-sira ang suot niyang damit at maruming-marumi ang mukha.

Ayon sa ulat, nakapag-uuwi si Lu Jingang ng halos 70,000 yuan o P543,128 sa loob ng isang buwan, bukod pa riyan ang mga pagkaing ibinibigay sa kanya ng mga turista.

Dahil sa laki ng kanyang kita buwan-buwan, binansagan na rin siyang “richest beggar in China.”

Baka Bet Mo: Nadine Lustre tinawag na ‘basura’ ang FB page na nang-okray sa kulay niya: ‘Puwede nang gawing kasabwat na pulubi’

Ayon kay Lu, wala siyang nakikitang masama sa ginagawa niya dahil naniniwala siyang disenteng trabaho ang pagiging pulubi at dahil passion din niya ang pagpe-perform.

At dahil na rin sa dami ng turistang nagbi-video at kumukuha sa kanya ng litrato, naging internet sensation na rin siya sa naturang lugar.

Marami rin ang mga taong nagtutungo sa Qinming Shanghe Garden ang nagsasabing bumisita sila sa lugar para lang makita si Lu at mabigyan din siya ng limos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilang netizens naman ang nag-react sa mga viral video ng dating Chinese actor at karamihan sa kanila ay nagsabing magre-resign na sila sa trabaho para mamalimos na lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending