Pulubi mula sa Lanao del Norte ng kaibigan, viral
NAANTIG ang puso ng madlang people sa naging post ng netizen na si Eryck Paolo mula sa Lala, Lanao del Norte matapos siyang ilibre ng isang “pulubi” na kanyang naging kaibigan.
Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi niya ang mga larawan nilang magkasalong kumakain kalakip ang kuwento kung paano nga ba siya nito nilibre.
“Siya si Ate Membot, ang kaibigan kong pulubi. Solid supporter ko ‘yan at ng aking grupo since 2015 noong hindi pa ako isang content creator.
“Madalas s’yang tumambay sa isang bakery kung saan malapit dati sa aming pinagpapractisan ng sayaw,” panimula ni Eryck.
Baka Bet Mo: Aktor sa China naging pulubi, kumikita ngayon ng mahigit P500k kada buwan
“Si Ate Membot ay hindi madamot, naalala ko pa dati nong 2015, pagkatapos namin magpractice ng madaling araw at gutom na gutom ako non pero sarado na lahat ng tindahan, meron syang naitabing tinapay at di sya nagdalawang isip na ibigay sa’kin ‘yun,” lahad pa ng contrnt creator.
Simula raw noon ay naging magkaibigan na sila at eventually ay tinuruan niya itong kumita ng sarili nitong pera.
“Naging magkaibigan na kami at noong nagkaroon na ako ng sarili kong income ay palagi ko na rin s’yang tinutulungan at binibigyan ng pagkain.
“Hanggang sa lumipat na s’ya ng pwesto sa isang convenience store. At doon kami madalas magkasabay kumain at mag-usap, minsan tanghali, minsan madaling-araw,” kuwento pa ni Paolo.
Chika pa niya, nagkataon na nasa isang kainan siya st walang barya na pambayad sa nakain.
Napadaan nga raw si Ate Membot at tinawag siya para ilibre.
“Tinanong ako kung anong gusto kong kainin at inumin. Pabiro kong tinanong sa kaniya: ‘Bakit libre mo, Ate Membot? Haha’ Tapos sabi nya ‘Oo, sagot ko na ngayon’,” nakakatuwang kwento ni Eryck.
“Sa lahat ng mga natulungan kong tao, isa si Ate Membot na tumatak sa’kin na hindi nakakalimutang tumanaw ng mabuting nagawa ko,” dagdag pa niya.
Samu’t saring komento naman mula sa netizens ang inani ng naturang post ni Eryck sa kaibigang pulubi.
“Nakuha nito attention ko. Sana dumami pa ang nag-eexist na taong tulad ni Ate Membot not only in the Philippines but in the whole world. Nakaka-inspire talaga,” saad ng netizen.
“Naalala ko dati may pulubi na palaging naglalakad at nanghingi ng pera sa mga customer sa tapat ng store ni nanay and they gave coins then one time sinubukan ko ring manghingi sa kaniya (pulubi) and he gave me 5 pesos w/o hesitation then walked away. Natuwa ako at nalungkot that time. Maybe naisip niyang ‘alam ko gaano ka hirap manghingi’ kaya nya ko binigyan,” comment naman ng isa.
“So inspiring story. Dito mo talaga masasabi na hindi basehan ang itsura at estado sa buhay kung anong klaseng tao ka,” dagdag pa ng isa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.