Michelle Gumabao nawindang sa pulubi sa SG, may pa-bar code?
NALOKA ang athlete-beauty queen na si Michelle Gumabao habang nagbabakasyon ito sa Singapore.
Isang pulubi kasi ang lumapit sa kanila upang humingi ng limos.
Sa kasamaang palad ay walang dalang cash si Michelle kaya humingi na lang siya ng tawad sa pulubi dahil wala siyang maibibigay dito.
Ngunit naloka ang volleyball player dahil matapos siyang tumanggi at magsabing wala siyang dalang pera, pinakitaan siya nito ng QR code.
“May nanlimos dito sa SG, sabi ko sorry no cash. Pinakitaan ako ng barcode,” tweet ni Michelle nitong Miyerkules, April 5.
Umabot na nga 3,860 likes at 122 retweets at 158 quote tweets ang post ng athlete-beauty queen.
Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens ang naturang tweet ni Michelle.
“I think that case is very rare here in SG, otherwise they are selling tissues & stuff na minsan mapapabili kana lan din kahit dimo kailangan out of humanity,” saad ng isang netizen.
Baka Bet Mo: Aga, Charlene nagpositibo sa COVID habang nagbabakasyon sa US: Praying for complete healing…
Tila isang netizen nama ang naka-relate kay Michelle, “Same here in Shanghai, mga beggars sa downtown nakasabit sa leeg nila QR code to scan , dalawa pa yun, WeChat and Alipay.”
Isang netizen naman na naninirahan sa Singapore for 13 years ang nagsabing normal lang maman daw sa mga pulubi sa kanilang bansa na magsuot ng disente at gumamit ng barcode para sa paghingi ng limos at donasyon.
“They will approach you in decent clothing and will ask if you have some spare cash because they got lost and ran out of transpo money or something. It happens but rarely. If you politely say no, they won’t insist naman. Twice ata ako naka encounter in 13 years,” sey nito sa tweet ni Michelle.
Mukhang kasabay nga ng pagiging digital ngayong panahon ay ang pag-keep up ng mga mamamayan at hindi papahuli ang mga pulubi.
Related Chika:
Michele Gumabao ‘naaksidente’ bago rumampa sa Miss Universe PH: I passed out, I collapsed
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.