Aga, Charlene nagpositibo sa COVID habang nagbabakasyon sa US: Praying for complete healing…
Aga Muhlach at Charlene Gonzales
HINDI rin nakaligtas ang celebrity couple na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales sa bagsik ng nakahahawang COVID-19.
Ibinalita ng mag-asawa sa madlang pipol sa pamamagitan ng social media na tinamaan din sila ng coronavirus habang nagbabakasyon sila sa Amerika.
Ngunit wala na raw dapat ipag-alala ang kanilang mga kapamilya at mga kaibigan dahil sa ngayon daw ay nagpapagaling na sila.
Unang nag-post si Aga sa kanyang Instagram account ngayong araw, Jan. 12, 2022 at ibinahagi nga ang naging karanasan nila sa pagkakaroon ng COVID-19.
Kalakip ng ilang litratong ibinahagi ng award-winning actor ang pasasalamat sa mga medical professional na Pinoy na nakabase sa Amerika na umalalay at tumulong sa kanila habang nakikipaglaban sa virus.
Ayon kay Aga, “Nothing but gratitude for these group of Filipino Medical professionals for taking care of me and my wife fight Covid! Maraming salamat (praying hands emoji) doc @homer_t Mark Yu of @trinity_pharmacy and all your staff!
“It’s on and off this Covid battle. Ingat tayong lahat (praying hands emoji),” mensahe pa ni Aga.
Kasunod nito, nag-post din si Charlene ngayong hapon sa IG ng mga litrato nila ng asawa kasama ang mga doktor na tumingin at nag-alaga sa kanila.
Pagbabahagi ni Charlene, “Aga and I tested positive for covid-19 while in the USA. Thank God we are all fully vaccinated (praying hands emojis).
“Andres was with us during the holidays (he is fully vaccinated) & he isolated right away. Andres tested negative in his PCR test, has no symptoms, was cleared by the doctor and was able to make it back to school safely in Spain. Andres is covid free…(praying hands emoji).
“My symptoms started on Dec 30 & 31. After taking initial over the counter medicine, I felt ok for the next couple days but had continuous nausea & fatigue.
“I was testing negative during this time but isolated right away the moment I felt symptoms,” lahad ng actress-beauty queen.
Patuloy pang pag-alala ni Charlene sa naranasang pagkakasakit, “On Jan 4-5 I felt sick again & this is when Aga started to get symptoms. We tested again & this time our tests came out positive.
“From then on, It was an up and down feeling of being sick & monitoring. one day your ok.. one day your not.. but we are so happy that we are making our path towards recovery. (praing hands emoji).”
View this post on Instagram
Bukod sa mga doktor na nag-alaga sa kanila, pinasalamatan din ng misis ni Aga ang kapatid at sister-in law na sina Richard at May Bonnin. Aniya, uuwi agad sila sa Pilipinas kapag magaling na magaling na silang mag-asawa.
“We will be back home as soon as we are cleared, recovered and covid free. Sa lahat ng Mga kababayans natin. I pray for everyone’s safety & speedy recovery for all that may be going through the same experience.
“Praying for complete healing. #getvaccinated #fightcovid #prayers & love to all #movingtowardsrecovery missing you @atashamuhlach_, looking forward to seeing you soon,” sabi pa ni Charlene.
https://bandera.inquirer.net/302676/anak-nina-aga-at-charlene-na-si-atasha-pak-na-pak-maging-miss-universe
https://bandera.inquirer.net/299382/rebelasyon-piolo-aga-parehong-naging-jowa-ni-pops
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.