Pia, Saab, Maxene sama-sama sa 15th death anniversary ni Francis Magalona

Pia, Saab, Maxene sama-sama sa 15th death anniversary ni Francis Magalona

PHOTO: Instagram Story/@maxenemagalona

BILANG pagpupugay sa ika-15th death anniversary ni Francis Magalona, nagsama-sama ang mga mahal niya sa buhay – ang kanyang misis na si Pia Arroyo-Magalona, pati na rin ang dalawang anak niyang babae na sina Maxene at Saab.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ibinandera ni Maxene ang ilang moments ng naging intimate gathering sa Loyola Memorial Park sa Marikina City kung saan nakalibing ang namayapa nilang ama.

Baka Bet Mo: Saab Magalona umalma sa nagsabing hindi raw proud sa kanya si Francis M kung buhay pa ito: Mas kilala ko tatay ko sa ‘yo

PHOTO: Instagram Stories/@maxenemagalona

May picture pa nga na yakap yakap ni Maxene ang ina at nasa tabi niya si Saab.

PHOTO: Instagram Story/@maxenemagalona

May post din na ipinapakita ng aktres ang lapida ng Master Rapper na punung-puno ng mga bulaklak at kandila.

Caption pa niya, “Never forgotten. Rest in eternal peace, FrancisM [brown heart, sparkling, sunflower emojis].”

Sa hiwalay na IG post, inihayag ni Maxene ang kanyang pagmamahal sa yumaong ama.

“Grief, I’ve learned, is really just love,” caption niya.

Patuloy pa ng aktres, “It’s all the love you want to give, but cannot. All that unspent love gathers up in the corners of your eyes, the lump in your throat, and in that hollow part of your chest. Grief is just love with no place to go.”

“This is me trying to send love to my father’s spirit, wherever he may be. We lost him 15 years ago. I love you, Pop! I hope to make you proud [smiling and kissing emojis] #FrancisMForever,” mensahe pa niya.

Baka Bet Mo: Boss Toyo nag-reach out kay Pia Magalona bago i-upload ang vlog kasama ang ‘ex-lover’ ni Francis M

Kung maaalala, Nobyembre nang nakaraang taon nang magkaroon ng cryptic post si Maxene tungkol sa pagpapatawad sa magulang.

Ito ay matapos ang kontrobersyal na paglalantad ni Abegail Rait, ang secret lover umano ni Francis, pati ang rebelasyon na nagkaroon sila ng anak na si Gaile.

Matatandaang nakilala ang dating flight attendant nang magbenta ito ng Francis M memorabilia kay Boss Toyo ng “Pinoy Pawnstars” at marami nga ang nagulat nang ikinuwento niya kung paano niya nakuha ang naturang jersey ng yumaong master rapper.

Dito inilahad ni Abegail na naging magkarelasyon sila ni Kiko bago ito namatay at nagkaroon sila ng anak at ito ay si Gaile Francesca.

Dahil diyan ay naging usap-usapan noon ang dating flight attendant maging ang kanyang anak.

Maraming netizens pa nga ang tumawag sa kanya ng “mistress,” “homewrecker,” “kabit,” at marami pang iba.

Ngunit ‘yan ay binigyang-linaw ni Abegail sa kanyang official statement kung saan inihayag niya na ‘di umano’y hiwalay na ang Master Rapper sa asawa nitong si Pia nang maging sila.

Humingi rin siya ng tawad sa lahat ng mga taong nasaktan sa kanilang paglabas sa publiko lalo na sa pamilya ni Francis M.

Read more...