Saab Magalona habang nag-aantay sa airport: Sana walang surot

Saab Magalona habang nag-aantay sa airport: Sana walang surot

Therese Arceo - March 07, 2024 - 04:23 PM

Saab Magalona habang nag-aantay sa airport: Sana walang surot

Saab Magalona

ALIW na aliw ang mga netizens sa naging hirit ng singer at content creator na si Saab Magalona habang nag-aantay ito ng kanilang flight.

Sa kanyang Instagram story ay ibinandera nito ang larawan na kuha mula sa waiting area sa isa sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sey ni Saab, “Lord, sana walang surot dito.”

Marami sa mga netizens ang hindi napigilang mag-react sa pabirong hiling ng anak ni Francis Magalona.

“Dati kinakatakutan sa Airport tanim bala , Immigration ngayon surot at daga [laughing emoji],” saad ng isang netizen.

Baka Bet Mo: Saab Magalona nagpasko sa ospital, sumailalim sa surgery: I’m now recovering

Comment naman ng isa sa post ni Saab, “wala dyan ang surot… nasa arrival at departure area sa antayan lang ng mga susundo at maghahatid.. yung pure metal lang na chair… pag dyan sa departure area Safe yan…”

“Wag mo lang isipin inuupuan mo. Tingin ka din sa kisame at sa sahig baka meron daga. Buti pa taas mo na mga paa mo,” sey naman ng isa.

Matatandaang nag-viral ang mga kaso ng pagkakaroon ng surot sa mga upuan sa terminal 3 matapos mag-post ang ilang netizens ng kanilang karanasan kung saan nakagat sila ng mga surot nang umupo sila sa mga upuan sa terminal 3.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Going back to Saab, kahapon ay nag-post ito ng larawan nila ng kanyang namayapang ama upang alalahanin ang ika-15th anibersaryo ng pagkamatay nito.

“15 years!! Miss you, pop!” saad niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending