Xian nagpaluto raw muna ng steak kay Kim bago nakipaghiwalay

Xian nagpaluto raw muna ng paboritong steak kay Kim bago nakipaghiwalay

Reggee Bonoan - March 06, 2024 - 11:26 AM

Xian nagpaluto raw muna ng paboritong steak kay Kim bago nakipaghiwalay

Kim Chiu at Xian Lim

IBINALITA ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama si Ate Mrena na bago pala nakipaghiwalay si Xian Lim kay Kim Chiu ay naglambing pa ito na ipagluto siya ng paboritong steak.

Kumbaga last supper o final meal na nina Xian at Kim ang nangyari dahil pagkatapos nito ay naghiwalay na nga sila.

Sabi ni Ogie, “Sa totoo lang hindi naman sinasabi sa atin kung bakit sila nag-split pero nakarating sa akin kung paano sila nag-aplit. Nakarating lang sa akin at puwede naman itong i-deny ni Kim Chiu at ni Xian Lim.”

Baka Bet Mo: Derek nakipaghiwalay kay Andrea sa telepono: May problemang nangyari na nagbigay sa akin ng sign

Dagdag niya, “Hindi ko alam kung gaano katotoo na isang araw daw itong si Xian Lim ay nag-request kay Kim Chiu na ipagluto siya ng paborito niyang steak.

“So ito naman si Kim Chiu ay excited na nagluto ng steak at siyempre um-appear si Xian Lim, tsikahan ganyan at kinakain na nila yung steak hanggang sa dumayalog si Xian Lim.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alexander Xian Lim Uy (@xianlimm)


“Ang sabi, ‘tapusin na natin ang ating relasyon parang wala rin naming patutunguhan, ayaw din naman sa akin ng family mo at ng iba mong friends.

Baka Bet Mo: Kim Chiu sa pag-level up ng relasyon nila ni Xian Lim: ‘Darating tayo diyan, sabi ko nga, time management is the key…’

“Something to that effect ha, pero siyempre puwedeng exxags, puwedeng kulang yung kuwento ko pero more or less nag-start ‘yan sa steak,” ani Ogie.

Kaya sabi ni Ogie na dapat itanong na rin nila ito sa dalawa dahil mas sila ang nakakaalam ng totoo.

Samantala, base sa sources niya sa Bangkok, Thailand kung saan namataan si Xian kasama ang line producer na nali-link sa kanya ngayon, si Iris Lee mula sa Viva Films, ay magkaholding-hands sila habang naglalakad at sweet din daw kapag nasa hotel na at iisang kuwarto lang sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, trulili nga kaya KimXi na nagsimula sa steak ang break-up n’yo?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending