'Oldest living person' nag-celebrate ng 117th birthday

‘Oldest living person’ sa buong mundo nag-celebrate ng 117th birthday

Ervin Santiago |March 06,2024
facebook
share this

‘Oldest living person’ sa buong mundo nag-celebrate ng 117th birthday

Ervin Santiago - March 06, 2024 - 07:53 AM

'Oldest living person' sa buong mundo nag-celebrate ng 117th birthday

Maria Branyas Morera

UMABOT na sa 117 years ang edad ng itinuturing na pinakamatandang tao sa buong mundo – si Maria Branyas Morera.

Nitong nagdaang Lunes, ibinandera ng Guinness World Records (GWR) ang patuloy na pagrereyna ni Maria bilang “oldest living person” since January, 2023.

Nag-celebrate ang American-born Spanish Catalan supercentenarian ng kanyang 117th birthday last Monday, March 4 sa nursing home na kanyang tinitirhan sa Catalonia, Spain.

Baka Bet Mo: Gerald Anderson nag-celebrate ng Pasko kasama ang pamilya ni Julia

“Happy birthday to Maria Branyas Morera who celebrates her 117th birthday today,” ang nakasaad sa Facebook page ng GWR.

Sabi naman ni Maria sa kanyang X account na nagmula sa pahayag ng Catholic theologian na si Pedro Casaldaliga, “Old age is a kind of sacrament.


“You lose your hearing, but you hear more because you hear life, not noises… In the light of death, life takes on a specific, more definitive weight.”

Base sa record ng GWR, ipinanganak si Maria noong March 4, 1907 sa San Francisco, USA. Pagsapit ng edad 8, nagpunta sila ng kanyang pamilya sa Spain at sa Catalonia na nanirahan.

“She’s lived in the region ever since and has resided in the same nursing home for the past 23 years,” sabi pa ng GWR.

* * *

Humanda nang bumaliktad ang inyong mundo sa mas pinatinding mga eksena sa revenge-drama series ng GMA Public Affairs na “Makiling.”

Sa pagbabalik ni Amira (Elle Villanueva) para maghiganti, mabubulabog ang makapangyarihang pamilya Terra at ang Crazy 5.

Matapos makatikim ni Oliver (Teejay Marquez) ng hagupit ni Amira, mararamdaman ni Portia (Myrtle Sarrosa) na hindi magtatagal at siya naman ang magiging target ng paghihiganti.

Baka Bet Mo: Vice, Ion 3 years nang magdyowa: I love you Noy! And I love winning in life with you!

Dahil alam ni Portia na masasaktan si Amira kapag nalaman ang lihim na relasyon ng kapatid na si Rose (Thea Tolentino) at ng dating boyfriend na si Alex (Derrick Monasterio), gagawa siya ng paraan para siya mismo ang maglantad ng sikretong ito.

Sa pag-inda ni Amira ng masasakit na katotohanang mabubunyag sa kanya, paaalalahanan siya ni Maria Makiling (Rabiya Mateo) ng tunay ng rason ng kanyang pagbabalik — kabilang na ang pagkamit ng hustiya para sa kanyang pumanaw na ama.

Sa kanyang paghihiganti, makakamit kaya ni Amira ang hustisyang inaasam niya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag pahuhuli sa mga mas pinatindi pang kaganapan sa pambansang revenge drama ng Pilipino, ang “Makiling”, 4 p.m. sa GMA Afternoon Prime. Mapapanood din ito ng Global Pinoys via GMA Pinoy TV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending