Gerald Anderson nag-celebrate ng Pasko kasama ang pamilya ni Julia | Bandera

Gerald Anderson nag-celebrate ng Pasko kasama ang pamilya ni Julia

Alex Brosas |December 26,2021
facebook
share this

Gerald Anderson nag-celebrate ng Pasko kasama ang pamilya ni Julia

Alex Brosas - December 26, 2021 - 01:18 PM

Gerald Anderson nag-celebrate ng Pasko kasama ang pamilya ni Julia

NAG-CELEBRATE ng Christmas si Gerald Anderson kasama ang pamilya ni Julia Barretto.

Ang daming photos na kuha sa bahay ng mga Barretto na kasama si Gerald ang naglabasan sa social media.

Kitang-kita ang closeness ni Gerald sa pamilya ni Julia. There were photos showing the actor with Julia’s family. ‘Yung isang photo naman ay silang dalawa lang ni Julia ang magkasama habang nasa harapan ng Christmas tree.

It’s been months simula noong inamin ni Gerald na sila na ni Julia pero tila hindi pa rin maka-move on ang mga bashers sa magdyowa. Kung anu-ano pa ring hanash ang ginagawa nila sa latest photos ng magdyowa. Ayaw nilang paawat, ayaw nilang papigil sa kanilang pamba-bash.

Parang hindi Pasko sa mga bashers. Wala silang pakialam kung Pasko man, wala pa ring habas nilang bina-bash ang magkasintahan.
Ginawan ng bashers ng issue ang hindi pag-invite ni Julia sa tatay niyang si Dennis Padilla.

“Naku Gerald magiging mala impyerno lang ang buhay mo dyan.”

“Let’s just be happy for them. Last Christmas na nila yan together.”

“Sinasama ung jowa ung tatay di manlang makasama khit di pasko.”

“Mga bata nga waay te mga respeto sa tatay da.”

“Shout out to Miss Julia Barretto bakit wala po si Papa Dennis? Di po ba sya invited?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by marjbarretto (@marjbarretto)

Meron namang isang fan ang nagtanggol sa girlfriend ni Gerald who said, “Magtatapos na ang taon pero dami pa ding bashers na sobrang nega. Spread the love nalang. Wala silang paki sainyo fyi. Atupagin nyo nalang mga buhay nyo.”

* * *

Nangyari na ang pinakahihintay na pagkikitang muli ni Rica (Charlie Dizon) at Kyle (Joshua Garcia) sa “Viral Scandal” matapos sagipin ng dalaga ang lalaki nang muntik itong mahulog sa building nitong Miyerkules (Dis.17).
Nakatakdang magkatagpo ang dalawa sa job interview noong umaga ngunit hindi sumipot si Rica matapos niyang makita si Raven (Kaila Estrada) na papasok sa Balai Arkitektura. Tingin niya, sign ito para kunin ang trabaho sa Ilo-ilo.
Nang malaman naman ni Kyle na hindi na tutuloy ang dalaga, agad niyang pinuntahan ang bahay nito. Tinanong niya si Nico (Louis Abuel) kung nasaan si Rica at sinagot siya nito na baka umalis na ang kanyang kapatid papuntang Ilo-ilo.
Pumunta na lamang siya sa building kung saan niya unang sinagip si Rica. Sa kanyang pag-iisip sa dalaga, makikita niya ang isang balabal na nilapad ng hangin. Sinubukan niya itong kunin hanggang namalayan niyang nasa hangganan na siya ng building. Hindi naman siya tuluyang nahulog dahil naakap siya ni Rica.

Sa mga susunod na episode, patuloy na kukumbinishin ni Kyle ang dalaga tungkol sa pagtratrabaho sa Balai Arkitektura. Bibigyan niya ito ng isang araw para makapagdesisyon at aantayin niya ito sa kanyang opisina sa susunod na araw.
Tanggapin na kaya ni Rica ang offer ni Kyle?
Subaybayan ang “Viral Scandal” gabi-gabi ng 9:20 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Gerald: Ang daming nagagalit sa akin dahil sa lovelife ko, pero maraming tao diyan na mas malala, nangungurakot…

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending