Gerald: Ang daming nagagalit sa akin dahil sa lovelife ko, pero maraming tao diyan na mas malala, nangungurakot…
HINDI nagagalit ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa mga bastos na bashers sa social media, mas nakakaramdam daw siya ng shock factor kapag nakakabasa ng hate message.
Matindi ang tinatanggap na pambu-bully ngayon ni Gerald pati na ng girlfriend niyang si Julia Barretto mula nang ibandera ng una ang tunay na estado ng kanilang relasyon.
Sa panayam ni Boy Abunda kay Gerald, sinabi ng binata na hindi na siya masyadong naaapektuhan sa mga patutsada at pang-ookray ng mga mga haters. Natuto na rin daw siyang dedmahin ang mga ito at huwag nang magpaapekto.
”Siguro sa mga intriga na darating, lalo na sa social media ang dali-dali lang sa Facebook magbigay ng comment kahit sobrang sakit na parang hindi ko ma-imagine na kaya kong mag-type ng ganu’ng kasamang comment tungkol sa ibang tao.
“Pero kailangan may perspective ka rin, eh. Kumbaga, sobrang binash ako, sobrang may nagalit sa akin sa social media dahil sa lovelife ko.
“Minsan nakahiga ako sa kama, iniisip ko yun na parang, ‘Ang daming nagagalit sa akin dahil sa lovelife ko.
“Maraming tao diyan na mas malala, nangungurakot.So pag ganu’n yung iniisip mo, mababawasan, eh. Nagagalit dahil sa lovelife ko, dahil hindi nag-work yung relationship ko, kailangan may perspective ka,” pahayag pa ni Gerald sa nasabing interview.
Inamin ng binata na noong una ay naaapektuhan pa siya ng mga bashers, ngunit ngayon ay natututunan na niyang dedmahin ang mga ito.
“Dati, to be honest (apektado ako), pero hindi pikon. Parang mas shocked na kaya sabihin ng isang tao yan sa kapwa tao. Kahit yung ibang pictures ng ibang artista, politicians, grabe na talaga eh.
“Ang lala talaga ng platform ng social media for people to put siguro yung frustrations nila sa buhay. Siguro pag nakikita nila yung mga tao sa TV parang gusto nila gatungan.
“But I’ve come to a point na parang kahit anong gagawin ko, bakit ko i-si-stress yung sarili ko sa opinyon ng taong yan? Mai-stress din ako. So you have to move on and just not take anything personally,” aniya pa.
Ipinagdiinan din ni Gerald na masaya na siya sa buhay niya ngayon at naniniwala siya na hindi niya kailangang i-please ang lahat para magustuhan siya ng madlang pipol.
“Hindi ko naging goal yun sa buhay ko na sabihin, ‘Please, sana mag-iba yung isip niyo sa akin.’ Hindi naman. Kailangan tuloy pa rin yung buhay. Wala akong tinatapakan na tao.
“I’m just trying to livelife and provide for my family, enjoy life. So kapag may perspective ka, malalagpasan mo naman but things also happen sa buhay mo for a reason.
“And you have to kumbaga realize kung ano yun, san ka rin nagkamali and move on, move forward with your life,” paliwanag pa ni Gerald.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.