Rayver kay Julie Anne: ‘Ako ang No. 1 fan mo forever!’

Rayver pinakilig nang todo si Julie Anne: ‘Ako ang No. 1 fan mo forever!’

Pauline del Rosario |March 04,2024
facebook
share this

Rayver pinakilig nang todo si Julie Anne: ‘Ako ang No. 1 fan mo forever!’

Pauline del Rosario - March 04, 2024 - 04:16 PM

Rayver pinakilig nang todo si Julie Anne: ‘Ako ang No. 1 fan mo forever!’

PHOTO: Instagram/@myjaps

FOR sure, kilig na kilig ang Limitless Star na si Julie Anne San Jose sa latest social media post ng aktor na si Rayver Cruz.

Sa pamamagitan ng Instagram post, ibinandera ni Rayver ang sweet photo nila ni Julie Anne at inihayag ang kanyang all-out support sa singer matapos ang matagumpay na “Love Bound” concert.

“I have no words my love,” caption ng aktor.

Sey niya, “Grabe napakagaling mo talaga bilang artist bilang performer limitless ka talaga ikaw ang the best for me solid!”

“Excited na ako sa mga susunod mo pang concerts hindi ako magsasawa maging number one fan mo forever super duper proud of you!! I love youuu!! [emojis],” mensahe pa niya.

Baka Bet Mo: Julie Anne na-shock nang i-unfollow ni Janine sa IG: Basta po malinis ang aking kunsensiya…

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)

Sumagot naman sa nasabing post ang mismong singer at reply niya kay Raver: “Aww thank you mahal ko [heart emoji] i love youuu [infinity, blowing kiss, happy face with heart eyes emojis].”

Baka Bet Mo: Wish ng fans nina Julie Anne at Rayver: ‘Sana kayo na lang…sana kayo na! Please!’

Rayver pinakilig nang todo si Julie Anne: ‘Ako ang No. 1 fan mo forever!’

PHOTO: Screengrab from Instagram/rayvercruz

Kilig to the max naman ang kanilang fans na makikita sa comment section:

“Ilang heart ba sa ig [laughing emoji] sana ‘di magbago pagmamahal nyo sa isa’t-isa [heart emoji] congratulations chuliieee”

“Hoy!! Tama na kayong dalawa at pwede ba mag-propose ka na Rayver!”

“Bagay talaga kayo, parehas kayo ng hilig support both [clapping hands emojis].”

“Ang sweet niyo kanina sa concert iba talaga ma-witness ang kasweetan niyo feeling in heaven talaga [smiling face with heart eyes emoji].”

 Ang “Love Bound” concert ay ang kauna-unahang nagsama sa isang entablado sina Julie Anne at batikang singer na si Erik Santos. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isang interview, inamin ni Erik na dream come true ang maka-collaborate ang Limitless Star.

“Kasi alam naman natin na si Julie Anne is one of the best singers we have in the country. At talagang napakaganda ng pagpasok ng 2024 sa akin kasi si Julie Anne agad ang kasama ko sa isang concert,” sey niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending