Julie Anne jackpot na sa career, pak na pak pa ang lovelife; 'Love You Stranger' ng GabLil pasabog ang ending | Bandera

Julie Anne jackpot na sa career, pak na pak pa ang lovelife; ‘Love You Stranger’ ng GabLil pasabog ang ending

Ervin Santiago |August 11,2022
facebook
share this

Julie Anne jackpot na sa career, pak na pak pa ang lovelife; ‘Love You Stranger’ ng GabLil pasabog ang ending

Ervin Santiago - August 11, 2022 - 07:01 AM

 

Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Rayver Cruz at Julie Anne San Jose

NON-STOP ang success ng Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose ngayong taon.

Sa kanyang Instagram account ay very proud na ipinakita ng Sparkle star ang trophy para sa Silver Award na nakuha ng “Limitless: A Musical Trilogy” mula sa 2022 New York Festivals TV and Film Awards.

Milestone sa kanyang career kung maituturing ni Julie ang passion project niyang ito.

Isa pang masayang balita ni Julie sa kanyang fans ay ang special collaboration niya kay Gary Valenciano.

Ayon kay Julie, dream come true ang makatrabaho ang singer-songwriter para sa proyektong ito kung saan siya mismo ang nagsulat ng kantang “Di Ka Akin.” Mapapakinggan ito sa lahat ng digital music streaming platforms.

View this post on Instagram

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)


At bukod diyan, inaabangan na rin ang pagbabalik-akting ni Julie sa historical portal fantasy series na “Maria Clara at Ibarra” kung saan makakatrabaho niya sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Drama King Dennis Trillo.

Sa serye ay gagampanan niya ang karakter ni Maria Clara na mula sa nobela ni Jose Rizal.

At sa personal naman niyang buhay, swerte rin ang dalaga dahil mukhang #RoadToForever na nga ang peg ng relasyon nila ni Rayver Cruz na finally ay umamin nang nanliligaw sa kanya.

* * *

Hindi dapat bumitaw ngayong Huwebes (Aug. 11) dahil finale na ng “Love You Stranger” na pinagbibidahan nina Gabbi Garcia, Khalil Ramos, at Gil Cuerva.

“The truth shall set everyone free” nga dahil nabunyag na ang mga sikreto sa likod ng misteryo ng “lilom” sa Sta. Castela.

Talaga namang tinututukan ng viewers gabi-gabi ang first-ever primetime TV series ng GabLil couple.
Marami ang humanga sa kuwento ng serye na bukod sa mystery at drama ay tumatalakay din sa mental health.

Ipinakita ng serye ang pagmamahal sa pagitan ng mag-inang si Lorraine (Andrea del Rosario) at LJ (Gabbi) gayundin ang posibleng bunga ng di magandang pagpapalaki ng anak na nakita naman sa mag-amang sina Alfie (Tonton Gutierrez) at Tristan (Gil).

Ngayong alam na ng lahat ang mga ginawa nina Alfie, may chance pa kayang magkaroon ng happy ending ang pamilya ni LJ?

Ano kaya ang mangyayari sa kanila ni Ben (Khalil) lalo na’t saksi pala ang binata sa nangyari kay Lorraine noon?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutok na sa “Love You Stranger” finale ngayong Huwebes, pagkatapos ng “Bolera” sa GMA Telebabad.

Julie Anne na-shock nang i-unfollow ni Janine sa IG: Basta po malinis ang aking kunsensiya…

Wish ng fans nina Julie Anne at Rayver: ‘Sana kayo na lang…sana kayo na! Please!’

Julie Anne: For the first time, makikita n’yo kung sino talaga ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending