Isko nilalafang ang mga tirang spaghetti at chicken sa basura

Isko nilalafang ang tira-tirang spaghetti, chicken at burger sa basura

Ervin Santiago - March 03, 2024 - 08:40 AM

Isko nilalafang ang mga tirang spaghetti, chicken at burger sa basura

Buboy Villar at Isko Moreno

HINDING-HINDI makakalimutan ng mga TV host-actor na sina Isko Moreno at Buboy Villar ang naging karanasan nila noon sa pagbabasura.

Binalikan ng dalawang host ng Kapuso noontime show na “Tahanang Pinakamasaya” ang buhay nila noong kanilang kabataan.

Ayon kay Yorme, isa sa mga pinakamasasayang moment ng buhay niya ay yung pagiging laman ng kalye para maghanap ng pagkain sa mga basurahan.

“Kapag oras na magsasara na ‘yung (fastfood restaurant), ‘yun na ‘yung masayang oras ko ng pagbabasura,” ang  pagbabalik-tanaw ni Isko sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”.

Baka Bet Mo: Vice Ganda: Makakalimutan namin mga password namin, pero hindi ang pangalang Sarah G!’

Patuloy pa niya, “‘Yung basura nila ilalabas na, doon na kami mamimili ng mga tira-tirang chicken tsaka burger.

“Kapag 10 o 11 years old ka, hindi ka naman nakakabili, eh. They call it ‘pagpag,’ we call it ‘batchoy.’ ‘Yun ang masayang moment,” sey pa ng dating alkalde ng Maynila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tahanang Pinakamasaya with Vice Ganda (@tahanangpinakamasayatape)


Kapag daw may nakikita siyang mga tirang spaghetti sa basura, agad niya itong nilalafang dahil baka pag-uwi niya ay panis na ito.

“Alam mo ‘yung, wow! Everyday ginagawa mo ‘yun. ‘Yun ang pribilehiyo ng pagbabasura,” chika pa ni Isko noong panahong salat na salat pa sila sa pera at walang kakayahang kumain sa mga fast food.

Samantala, relate much din si Buboy sa past life ni Isko dahil nagbabasura rin daw ang tatay niya noong bata pa siya.

Baka Bet Mo: Tatay ni James Reid tinawag na ‘basura’ ang balitang ‘for good’ na ang anak sa US

“Ang tatay ko po ang professional work niya ay chef, pero kapag madaling araw siya nagbabasura, sumasama ako sa kaniya,” pagbabahagi ni Buboy.

Dagdag pa ng komedyante, “Ang hindi ko po makakalimutan sa kalsada, merong side car, ‘yung side car namin punong-puno ng sibak, mga board.

“Nandoon po ako sa itaas, natutulog, mga 5 a.m. Nahulog po ako! Tapos napagkamalan ako ng tatay ko na humps,” pag-alala ni Buboy.

“‘Aray!’” ang sigaw ng aktor. “Anak ano’ng ginagawa mo diyan?” ang nagtatakang  tanong daw ng tatay niya sa kanya.

“‘Tay, alam mong punong-puno (ng kalakal)  hindi ka nag-iingat!?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“‘Yun po ‘yung nasabi ko na ang saya sumama sa gano’ng sistema. Oo, mahirap para sa ibang bata, pero para sa akin, ‘yung ka-bonding ko ang tatay ko,” sey pa ni Buboy Villar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending