Ai Ai delas Alas binanatan ni Jerry Gracio: Nakakasuka siya | Bandera

Ai Ai delas Alas binanatan ni Jerry Gracio: Nakakasuka siya

Therese Arceo |May 05,2022
facebook
share this

Ai Ai delas Alas binanatan ni Jerry Gracio: Nakakasuka siya

Therese Arceo - May 05, 2022 - 07:04 PM

Ai Ai delas Alas binanatan ni Jerry Gracio: Nakakasuka siya

MASKI ang award-winning writer at Kapamilya party-list nominee na si Jerry Gracio ay napa-react sa ginawang parody campaign video ni Ai Ai delas Alas.

Sa kanyang Twitter account ay inihayag niya ang kanyang pagkadismaya sa Kapuso Comedy Queen.

“Di man lang inisip ni Ai Ai na si Defensor ang isa sa mga nerdugo ng mga manggagawa ng ABS-CBN na naging dahilan kung bakit nawalan ng trabaho ang mga kasama niya sa industriya, sa estasyon na pinanggalingan niya. Nakakasuka siya,” saad ni Jerry.

Matatandaang bago pa man maging tuluyang Kapuso ang Comedy Queen ay nanatili ito nang matagal sa ABS-CBN at karamihan sa mga box office movies nito ay gawa ng Kapamilya movie outlet na Star Cinema.

 

 

Bukod pa rito, isa si Defensor sa mga nanguna sa pagbabasura at pagdedenay ng franchise renewal ng ABS-CBN na kumitil sa trabaho ng napakaraming empleyado ng istasyon, maging ng iba pang negosyong nakapalibot dito.

Sa naturang video kasi video na naka-post sa Facebook page ng Vincentiments ay makikita si Ai Ai na ineendorso sa pagka-alkalde si Mike Defensor.

Base sa itsura nito sa video ay tila ginagaya niya ang kasalukuyang Quezon City Mayor Joy Belmonte.

“Magandang buwan sa inyong lahat sa lahat ng mga reklamador sa Kyusi… Babala! Asawa ni Babalu. May mahalga po akong announcement kaya pakinggan n’yo! Kung ayaw n’yo, lumayas kayo sa Kyusi! Wala akong pake,” panimula ni Ai Ai.

“Tulad ni Taguro, nais ko sanang ibigay ang 100% ng aking lakas upang talunin si MIKE! MIKE DEFENSOR! Ngunit may kakaibang lakas at kapangyarihan ang bumabalot sa kanya! Malamang ay galing ito kay BBM! BongBong Mike!

“Kahit ilang beses ko nang sinubukang pigilan ang mga rally nila, ay nakagawa pa rin sila ng paraan! At tunay naman SILA ang isinisigaw ng bayan. Sigaw ng malayang KYUSI! BBM! Bong-bong Mike! Damang-dama ng bayan. Alam ng mamamayan. Kaya hindi na ako mag-aaksayang makipagplastikan,” pagpapatuloy ni Ai Ai.

“Ngayon ay ineendorso ko si Mike Defensor bilang bagong MAYOR ng KYUSI. Ayoko na! Ayawan na! Tigilan na natin ‘to! Mahal ni BBM, mahal ng KYUSI. Hindi naninisi, at hindi kayo magsisisi. Hindi kayo paBABAyaan. Kaya pabayaan n’yo na ‘ko! Ayoko na! Ayawan na! Tigilan na natin ito! Ayoko na! Ayawan na! Ayoko na talaga!

“Nakakasawang maging OPRESOR doon na kayo sa DEFENSOR. Mayora Ligaya Delmonte… NOW SIGNING OFF.” hirit pa ni Ai Ai.

Si Mike Defensor ay kasalukuyang tumatakbo bilang mayor ng Quezon City at isa sa mahigpit na kalaban nito ay si Joy Belmonte.

Kaalyado rin ni Defensor ang UniTeam na siyang sinusuportahan ni Ai Ai.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ai Ai bugbog-sarado sa netizens dahil sa pang-asar na TikTok video: Sayang ka, nakakahiya ka!

Lolit Solis sa pagsuporta ni Ai Ai kay Bongbong: Dapat ipinagmalaki mo kung sino ang gusto mo

Ai Ai delas Alas pormal na nagpakita ng suporta sa tambalang Marcos-Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending